Sen. Jinggoy Estrada, gagawin lahat para ‘wag mawala sa kapangyarihan

Jinggoy-EstradaSA AMININ man o hindi ni Senator Jinggoy Estrada, nasisilip ang umano’y pagkakaroon niya ng “hidden agenda” behind realigning his P200 million mula sa kanyang natitirang PDAF sa tatlong siyudad sa Metro Manila, isa na rito ang Maynila na balak niyang paglagakan ng kalahati sa halagang ‘yon.

Hindi maiaalis na mabahiran ng kulay-pulitika ang plano ni Jinggoy. Huling termino na niya ngayon sa Senado, and his likely political step in the 2016 elections ay sungkitin ang puwesto ngayon ni Vice President Jojo Binay lalo’t matunog na pambato ito sa presidential race ng oposisyon.

Plantsado na sana ang plano until Jinggoy was implicated in the pork barrel scam. Dahil sa kanyang pagkakasangkot, Jinggoy’s bigger political dream crumbled like a sand castle swept by the waves back to the sea.

Nakapagtataka na biglang-bigla ay nasa puso ni Jinggoy ang siyudad ng Maynila, is it because there are plans that he will succeed his father? Paano na si Vice Mayor Isko Moreno na napipisil din bilang kapalit ni Erap?

As regards the fund realignment, bakit sa tatlong siyudad na napiling paglaanan ng pondo ni Jinggoy ay hindi roon kasama ang San Juan? Did he not serve as mayor of San Juan?

Dahil din ba he and his half-brother now Senator JV Ejercito are not in good terms? At ang nakaupong alkalde ngayon ng San Juan ay si Guia Gomez, ina ni JV?

Sa totoo lang, basang-basa (read: readable) ang mga ikinikilos ng mga pulitikong dawit umano sa PDAF scam, na lahat ay gagawin, huwag lang humulagpos sa kanilang mga kamay ang kapangyarihan.

 

Singer-actress, nawalan na ng weekly show, problemado pa sa ipinatatayong bahay

 

BLIND ITEM: Double whammy ang kinakaharap ngayon ng isang sikat na singer-actress.

Bukod kasi sa sinibak na niyang weekly show, problemado ang mang-aawit-aktres sa ipinatatayong bahay which is almost in the completion stage. And why?

Diumano, pag-aari ng partido ng kanyang asawa ang loteng may kung anong problemang legal. Ugat tuloy ito ng matinding sakit ng ulo ngayon ng singer-actress. Da who ang kunsumidong bida sa kuwentong ito?

Itago na lang natin siya sa alyas na Chicharon Serenata!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Sen. Jinggoy Estrada, gagawin lahat para ‘wag mawala sa kapangyarihan

Leave a Reply

Your email address will not be published.