Sen. Jinggoy-Cunanan face off, pabor sa ilang senador

PINABORAN NG mga kasamahang senador ni Sen. Jinggoy Estrada na komprontahin nito ang panibagong witness na si TRC Director Dennis Cunanan sa susunod na pagdinig ng Sente blue ribbon committee hinggil sa multi-bilyong PDAF scam.

Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na kung sa kanyang kalagayan mas mabuti na komprontahin nito ang mga nag-aakusa sa kanya upang mailabas ang katotohanan.

Hindi pa matiyak ni Estrada ang pagdalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa pagsasabing gusto man nitong sumipot ay kailangan pa niyang kunsultahin ang kanyang mga abogado.

Pero para kay Escudero, sumipot man o hindi ang senador ay umaasa silang ibubunyag ni Cunanan ang lahat ng nalalaman nitong katiwalian sa isyu ng PDAF na dumaan sa tanggapan ng TRC bilang implementing agency ng pork barrel projects gamit ang bogus na NGOs ni Janet Lim-Napoles.

Sa panig naman ni Senate President Franklin Drilon, nagpahiwatig itong maaring huling pagdinig na ng Senado ang pagharap ni Cunanan para maglabas ng committee recomendation.

Pero nakadepende pa rin ito sa chairman ng committee na si Sen. Teofito Guingona III.

Maaalala na inihayag ni Guingona na pagkatapos ng PDAF ay bubuksan nila ang pagsisiyasat hinggil sa Malampaya fund scam kung saan dawit pa rin ang mga bogus na foundations ni Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.