Sen. Jamby Madrigal, nuisance to Katrina-Hayden case

AYAN, BINULABOG NI Aleng Irene Kho ang kuta ng langgam, paano nila ngayon pipigilan ang pangangagat ni Manay Lolit Solis? Pinagdarasal pa ni Aleng Irene si Manay Lolit sa hawak nitong krus, ano ngayon ang ibinalik sa kanila ng manager-TV host?

‘Di nabuyangyang pati ang pangungutang ng pamilya ni Dr. Hayden Kho kay Dra. Vicki Belo? Tumataginting na apat na milyong piso pala ang inutang ng pamilya sa doktora nu’ng bubot pa ang relasyon ng dalawa. ‘Yun pala ang dahilan kung bakit hindi idinadamay ni Aleng Irene sa kanyang galit ang doktora?

Pero ito namang si Aleng Vicki nu’ng tanungin tungkol sa pagsusustento kay Dr. Hayden, pinabulaanan pa ang rebelasyon ni Manay Lolit na sinusustentuhan nito ang doktor buwan-buwan, pa-condominium pa at ipinagsi-shopping pa.

“Nakakahiya naman sa family ni Hayden ‘yun, it’s not true,” pa-girl pang sagot ng makasaysayang doktora.

Natural, ganu’n na lang siguro ang naapuhap na katuwiran ni Aling Vicki, kaysa nga naman matatakang matrona ang doktora, ‘di kunwari na lang, walang katotohanan ang sustento isyu na pinalutang ni Manay Lolit.

Pero sa pagitan naman nina Aling Vicki at Manay Lolit, kung dadaanin sa botohan ngayon ang labanan, mabobokya sa boto si Dra. Vicki Belo at kakabugin ito ni Manay Lolit.

At walang kagatul-gatol na sinabi rin ni Manay Lolit na nu’ng nakaraang Oktubre, may napatay na pasyente si Dr. Hayden Kho. Nagpa-liposuction ang pasyente, nalagay sa alanganin ang kundisyon nito, hanggang sa bawian ng buhay.

Natural, maliit lang naman ang mundo ng mga doktor, nu’ng may magpapa-lipo na naman sa klinika ni Dra. Belo at si Dr. Hayden ang itinotoka sa pasyente, nagulantang ang lahat sa sinabi nito.

“Ah, ikaw ba ‘yun? Ikaw pala ang killer doctor!” Sabi ng pasyente. Pero ang kasunod na tanong ng bayan sa rebelasyon ni Manay Lolit, ano na nga ba ang pinakahuling balita tungkol sa pamilya ng namatayan?

Nu’ng nasa DZMM pa kami, nakakatanggap kami ng impormasyon tungkol du’n dahil kakilala ng isang kasamahan namin ang asawa ng namatay. Ano na ba ang kinauwian ng kasong ‘yun?

Mas tama kayang “Magkano?” ang salitang gamitin natin ngayon sa ating pagtatanong?

SANA’Y MASUNDAN AGAD ang ginawang imbestigasyon ng Senado kina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili. Kahit paano’y lumilinaw na ang larawan ngayon ng isyu, kundi nga lang inilihis ni Senadora Jamby Madrigal ang daloy ng imbestigasyon, ‘di sana’y malayu-layo pa ang inabot nito.

Nasa kainitan na ang kuwento tungkol sa mga sex videos na patagong kinunan ni Dr. Hayden, pero nu’ng sabihin ng doktor na pinainom ito ng droga ni Katrina, mas naging interesado si Senadora Jamby kung sino ang malaking “isda” na diumano’y nagrarasyon ng droga sa kampo ng dalaga.

Maraming nairita ru’n. Bakit nga naman mas mukhang interesado pa ang senadora sa supplier ng droga? Samantalang ang sentrong paksa ng imbestigasyon ay kung sino ang nag-record ng sex video at kung sino ang naglabas nu’n sa mekado.

Nag-isip tuloy ang mga nakatutok sa imbestigasyon, sadya bang inililihis ni Senator Jamby ang paksa, kaibigan ba nito ang pamilya ni Dr. Hayden o kaibigan ng mambabatas ang mga abogado ng inaakusahang doktor?

Magbuo na lang sana ng panibagong grupo si Senator Jamby para tutukan ang imbestigasyon tungkol sa diumano’y pinagkukunan ng droga ng kampo ni Katrina ayon sa kuwento ni Dr. Hayden Kho.

Huwag nang isabay pa ‘yun sa pagkalkal nila sa kung sino talaga ang utak sa pagbuo at pagkakalat ng mga sex videos sa pamilihan, nakagugulo ‘yun sa daloy ng imbestigasyon. Pinagugulo ni Senador Jamby Madrigal.

Sa totoong-totoo lang.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

10 thoughts on “Sen. Jamby Madrigal, nuisance to Katrina-Hayden case

  1. May pa nuisance-nuisance pa kayo? mga gunggong! at mga malilibog pa sa kunehong tago!!!

    Ang pang asar dito eh si Bong Revilla kasi gustong kantutin si Katrina kaya kunwari tumutulong… he he he

  2. para kay cess at jobert, kampihan mo ba ang maniac! pala ka siguro ni belo no. sigurado ko binayaran ni belo si jamby madrigal para ilihis ang imbestigasyon. halatang halata na panggulo lang sya kahit nung una pa man. tsk tsk sana di kana lang ikinampanya ni judai. tabatsoy. at ikaw cess sana mangyari rin sa yo to nangyari kay katrina pero sa sama ng ugali mo palagay ko pati maniac matatakot sayo.

  3. PARA KAY CESS, SNA LNG HND MO (OR KHT CNO SA MGA MAHAL MO) DANASIN ANG NANGYARI KY KATRINA AT IBANG GIRL NA VIDEOHAN, CGURO TYPE MO MAGPA…. KY HAYDEN KYA GALIT KPA KY KATRINA.

    • Additional opinion lang trisha, ang pag video lang ang di alam ni katrina but the rest of the sexcapade alam nya. Obviously she enjoyed it the fact that she knew na si vicki belo ang Gf ni hayden. I am not tolerating Hayden’s videotaping their lovemaking kasi lahat naman ng tao may mga sensual at wild fantasy. I don’t think Hayden intended it to expose in public. Ang walanghiya dito e yung nag kalat ng video. yun nga lang that’s the price Katrina has to pay for stealing someone’s BF. Every sin has consequence whether you like it or not. Hayden is suffering for what he has done, Katrina too and the rest of the people. Isa lang sa mga nakakainis e ang mga journalists na to na sina Cristy Fermin at Lolit Solis na iresponsable sa pagsusulat. Si Lolit dati alaga si Hayden ngayon masahol pa sa hayop kung awayin nya e kumita rin sya noon dito dahil sya manager dati. Haaay ang mga taong to. Sa totoo lang pag nakikita ko sila sa Tv (Lolit at Cristy) naiinis ako kaya lang for “entertainment sake” pinagtyatyagaan ko. Pinakikinggan ko lang ang mga sinasabi nila kasi nakaaliw. Don’t get me wrong guys,, Wala ako personal attachments sa mga yan at di ko sila kilala. Di rin personal tong mga attacks ko kasi base lang to sa observation ko sa kanila. Notice di ko pinakialaman personal nila. Opinyon ko lang base sa mga sinabi at sinulat nila.

  4. PARA KAY CESS, SNA LNG HND MO (OR KHT CNO SA MGA MAHAL MO) DANASIN ANG NANGYARI KY KATRINA AT IBANG GIRL NA VIDEOHAN, CGURO TYPE MO MAGPAKANTOT KY HAYDEN KYA GALIT KPA KY KATRINA.

    • Trisha at adiksachika hindi kumakampi si Cess at Jobert totoo lang ang sinasabi nila. Truth hurts!! Kung matino ka ba naman babae e papatol ka sa tao na alam mong may Gf na? at ikaw pa ang kinuhang endorser. Nasan naman ang delikadesa at utang na loob ni katrina kay Vicki Belo? Malinaw pa sa sikat ng araw na alam nya na jowa ni Vicki si Hayden yet nagpapakangkang sya? Kung okay sa inyo ang ganung moralidad e kampi nga kayo kay katrina. At ikaw Cristy Fermin maging responsible journalist ka naman. Kampi ka kay Lolit kasi pareho kayo na ikinabubuhay ay ang manira ng kapwa. Naatim nyo ba kumain na nag perang pinambili nyo e galing sa pakikialam at paninira nyo sa kapwa nyo? Marami din namang mga entertaintment writers na reliable ang sinusulat. Kayo wala ng kredebilidad. Si lolit di nagtatanda. Pinatawad ka na nga nina Sam at Piolo ngayon umaariba ka na naman. Ikaw naman Cristy tapos na ba kaso mo kay Nadia Montenegro? Opinyon ko to kaya ang mag react talo. kaya nga tayo may comment box e.

  5. Agree ako kay Jobert… epokrita, nagsa-sour gripping ka lang..Pakialam mo kung pinautang ng pera ni Belo ang nanay ni Hayden , bakit pera mo ba yon? At kung nilihis man ni Jamby Madrigal ang issue, eto ay mas importante na matukoy ang source ng droga..yon ang pinakaimportante dahil lumalaganap yan sa bansa natin..
    Babae ako, pero wala akong simpatya kay Katrina dahil kagagawan nya lahat ng mga nangyari sa kanya…matoto syang humarap sa mga consequences nito..and she should learn from it..Binigyan nya ng kahihiyan ang pamilya nya.

  6. Mag-research nga kayong mabuti. Ang ipinag-kaiba nyo sa PEP milya-milya kase marami sa mga writers dito hindi marunong mag-research at sobrang bias. Lalo na tong christy fermin na to. Namatay sa komplikasyon sa asthma yung pasyente ni Hayden ungas! At ano ba pinagpuputok ng butsi nyo kung nangutang ng 4 milyon pamilya ni hayden. Inggit ka ba? Impokrita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.