Sen. Honasan, pumirma na rin ng waiver

PUMIRMA NA rin si Senador Gringo Honasan sa isang waiver na pinapayagan niyang mabuksan at mabusisi ang kanyang mga bank account ng Ombudsman.

Ito’y napag-alaman nang sabihin ng senador sa lingguhang Senate forum kahapon na nagsumite na siya ng waiver sa Office of the Ombudsman na pinapayagan niya ang naturang ahensiya na buksan ang kanyang bank acccounts kung sakaling siya ay maimbestigahan.

Binigyan din ni Honasan ng kapangyarihan ang secretary ng Senado na ilabas sa publiko ang kopya ng kanyang statements of assets, liabilities, and net worth (SALN), ilantad ang kanyang business interests at financial connections, at pagtutukoy ng mga kamag-anak na nagtatrabaho sa gobyerno habang siya ay nakaupo bilang senador.

Sinabi pa ni Honasan na ang pagpirma niya ng waiver ay ‘redundant’ o pag-uulit na lamang dahil nauna na niyang pinirmahan ang isang katulad na waiver sa kanilang SALN.

Gayunman, sinabi ni Honasan na mas nanaisin niyang maging “redundant and err on the side of prudence” kaysa magkaroon ng pagdududa sa kanyang integridad ang taumbayan na naghalal sa kanya.

“Ayaw natin ng ganu’ng perception. This is an individual call based on your reading of public sentiment,” ani ng senador.

“Importante sa akin na huwag na magtanong ‘yung nag-lagay sa akin dito, para panatag na ang loob nila,” dagdag pa ni Honasan.

Naging malawakan ang panawagan para sa mga opis-

yal ng gobyerno at mga mambabatas na pumirma ng waiver na magbubusisi sa kanilang mga bank account matapos na pumirma ng waiver at isumite sa impeachment court ni dating Chief Justice Renato Corona ang kanyang waiver.

Hinamon pa ni Corona ang 188 kongresista na pumirma ng impeachment complaint at si Sen. Franklin Drilon na pumirma ng katulad na waiver noong huling bahagi ng impeachment trial.

Naging panawagan ang naturang aksyon ni Corona para maging bukas sa publiko ang mga opisyales ng gobyerno at mga mambabatas kaugnay sa kung anong yaman mayroon ang mga ito.

Sa kasalukuyan, maliban kay Sen. Honasan, nauna nang pumirma ng bank account waiver sina Sen. Francis Escudero, Sen. Bong Revilla, Jr., at Sen. Antonio Trillanes IV. Bagama’t nagpahayag ng kagustuhang gawin din, hanggang sa ngayon ay hindi pa pumipirma ng kanyang waiver si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

May panawagan din kay Pangulong Benigno Aquino III at sa kanyang mga gabinete na pumirma rin ng nasabing waiver, subalit minaliit lang ng ito ng Palasyo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.