Sen. Grace Poe, usap-usapan ng mga ‘di imbitadong entertainment press ang pagka-nega

Grace-PoeLaman ng tsikahan ng mga hindi imbitadong mga entertainment press sa lunch treat ng nangangarap na maging pinuno ng bansa na si Sen. Grace Poe sa Facebook chat ngayon ang pagnenega nila sa senadora. Nagtataka ang ilan kung bakit hindi pinaghandaan ni Grace ang pagpasok niya sa presidential race at isa-isa at dahan-dahan na hinuhubaran ang pagkatao niya.
Sabi ng isang media operator na kaibigan namin, more to come for Grace na sa bandang huli, baka pati brand ng suot niyang underwear ay mahalungkat pa. Kung bakit naman kasi nagmamadali.
Oks ako sa kanya kung naging Grace Poe for VP na lang sana. Pero nand’yan na. Wala nang magagawa. Hintayin na lang ang lalong pagbaba ng popularidad niya. Bukod sa citizenship issue, kasunod ang residency issue naman. Pero happy ang mga beks na imbitado sa pakimkim ni Senadora na sabi ay P10K each na lalong nagpangitngit sa inggit ng ilan. Kung totoo ang balitang nakarating sa amin na ito ang bigayan sa get-together ni Sen. Poe sa piling-piling entertainment press, tinalbugan niya ang give ni Mar Roxas na nagpa-party kamakailan. (‘Di ba Mr. RP?)
Sa huling result ng survey pagdating sa popularidad sa voting population come 2016 presidential election, malaki ang ibinaba ng popularidad at pagkagusto ng masa kay Sen. Grace. Pero sa mga kapanalig niya sa showbiz, malaki pa rin ang tiwala nila sa senador.
I just don’t know kung naitanong na sa kanya sa isang political forum about the case ng pang-aagaw ng China sa mga isla na pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea at ang isyu ng VFA na gustong ibasura ng ilang mga kaibigan dahil hindi tama at hindi pro-Pinoy ang kasunduan between the Philippines at Amerika.
Kung si Sen. Grace kaya ang tatanungin tungkol sa VFA na ito, lalabas kaya ang totoong kulay niya na by heart ay pro-America pa rin siya?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Sen. Grace Poe, usap-usapan ng mga ‘di imbitadong entertainment press ang pagka-nega

  1. wala na tong si grace, nabantilawan na ang pupularidad niya, nagiging nega na siya lately, lumabas kasi ang pagiging ambisyosa niya sa posisyon porke mataas ang rating niya dati, tinarget niya agad ang pinakamataas, dapat umpisa muna siya sa VP, tapos pa-importante pa nung maraming nag-iinvite na makitandem sa ibang kandidato.. ang tagal niyang pinaghintay yung mga tao yun pala gusto niya presidente agad, haaay.. wala, lagpak ka na

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.