Sen. Grace Poe, target nang maging presidente?!

MAGPAKITANG-GILAS LANG si Sen. Grace Poe sa Senado, malaki ang chance na siya ang ilaban ni P-Noy kay Vice President Jojo Binay sa presidential election.

Kung mapapansin ninyo, tila lamang na lamang ang botante ng mga 18-40 years old, kaya mas gusto nila ay mas bata, mas iba ang pananaw sa buhay at umaasa silang malaki ang magagawa para mabago ang mukha ng pulitika.

Sabi nga namin kay Madam Grace sa birthday party ni Tita Cory, “’Wag mong ide-deactivate ang twitter account mo, ha?  Tatakbo ka pang Presidente!”

“Uy, ano ka ba, Ogie? Pressure ‘yan, ha? Hahahaha!”

Hay, nako, Madam Grace! ‘Yan din ang sagot sa amin ni Ate Vi (Batangas Gov. Vilma Santos-Recto) nu’ng udyukan naming tumakbong Presidente. Hahaha!

ANG MGA Pinoy talaga, pagdating sa kalokohan, bibilib ka, eh. Tatawa ka, but at the end of the day, parang tinawanan mo ‘yung panlalait na ginawa nila. Nakagi-guilty rin.

Tulad na lang sa pagpe-facebook namin. Du’n nakita namin na naka-plain orange shirt si Sen. Nancy Binay. Aba’y itinabi ba naman sa Ovaltine?

Nu’ng umpisa, iniisip pa namin kumba’t itinabi sa Ovaltine ‘yung picture ni Nancy. Tapos, nararamdaman na lang naming tumatawa na pala kami. Pero feeling namin, parang nilalait na ang kulay ni Nancy, eh.

Bakit, sa totoo lang, kayumanggi naman ang kulay ng isang Pinoy, eh. ‘Pag naging mestiso ka, bonus na lang ‘yon. Kaya nga hindi malayong paglaruan na naman si Nancy ‘pag nagsuot siya ng plain green, tapos, itatabi naman siya sa Milo.

O, ‘di kaya ay plain red shirt at itatabi naman siya sa bote ng Nescafe. O, ‘di kaya’y plain blue at itatabi naman siya sa Nescafe Decaf.

At sa kaookray ng mga detractors ni Nancy sa kanya, ‘pag nainis na naman ang tadhana sa kanila, eh, baka tumakbong Vice President ‘yan sa 2016. Kaya behave na kayo.

 

USO NGAYON ang Zumba, pero hindi uso ang libre sa Zumba at talagang magbabayad ka. Pero itong “SuZumba Event” na gaganapin this Sat., May 18, 25, June 1 and 8 sa Liwasang Aurora ng Quezon Memorial Circle at 6 in the morning, libre as in walang bayad!

This activity is free to all, families and barkada regardless kung anuman ang edad ninyo, tuturuan kayo ng dance-exercise session na ito ni accredited instructor Dudz Flordeliza.

Hindi lang ‘yon, libre na ang Zumba ninyo, meron pang FREE breast screening para malaman n’yo kung healthy ang suso n’yo o meron nang bukol na maaaring mauwi pa sa cancer!

Kaya malaki ang pasasalamat ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc. sa Black Pencil, kay QC Mayor Herbert Bautista, Coun. Bong Suntay and Coun. Candy Medina!

For sponsorships and bazaar participation, please contact Ms. Antolin sa 09154228958 or Ms. Ilagan sa 09178677624!

‘Yung pagpunta n’yo roon, nakapag-exercise na kayo, nakatulong pa kayo sa mga pasyente. Sa mga gustong mag-donate naman, tawagan n’yo lang din ang mga numerong ‘yan.

 Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

15 thoughts on “Sen. Grace Poe, target nang maging presidente?!

  1. kayo mga putang ina niyong lahat. puro kayo panghuhusga…. naisip niyo na ba kung ano dati si cory aquino bago tumakbo ng presidente???? hindi ba plain housewife lang sya tapos tumakbo agad ng presidente ng pinas… si FPJ ano? isang undergraduate na artista pero presidente rin agad ang tinakbo. both of them e wala ring experience sa politics pero top position agad ang tinakbo. ano masasabi niyo dito mga kupal heads???

  2. Any person who is elected mayor of makati will perform, if not the same, better as mayor. Why? Because Ayala family’s flagship business is in Makati, the Makati Business Center which now includes part of Global City. These areas of Makati which give you the feeling that youre not in Pinas are maintained by the Ayala Corporation and not by the Makati City government, including the traffic enforcers and the road. Thats a lot of savings for the city government. Now, look at Pembo, Rembo and other areas of Makati, do these areas look more progressive than the rest of the metropolis? Are there squatters? Is there poverty? is the quality of life better? 
    Now, you decide if Binays are any good…
    If Makati City’s progress will be the deciding factor for electing the Binays in all the post they want, it should not be them, it should be the Ayalas in the position, logically, for making Makati what it is today.

  3. Si Binay tatakbong President sa 2016 kaya pinatakbong Senador si Nancy. Si Junjun nanatling Mayor ng Makati. Kapatid ang papalit dyan pag tumakbong Senador si Junjun. Si Erap tumakbong Mayor ng Manila at nanalo. Pinatakbong Senador si JV at nanalo. Tatakbong VP si Jinggoy sa 2016. Si Bong Revilla tatakbong presidente rin sa 2016. Pinatakbong vice-governor si Jolo at nanalo. Congresswoman uli si Lani. Di niyo nahalata lahat ng tatakbo sa 2016? Pinatakbo ang mga kapamilya sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno para mas malakas ang malakao na mga boto pagdating ng 2016. That’s what you call advanced political strategizing ng mga family dynasties.

  4. WELL, AKO RIN INISNAB KO SI NANCY BINAY. DI KO BINOTO DAHIL PARA NGANG GINAGAMIT LANG ANG APELYIDO NG TATAY. PERO NUNG LAIT-LAITIN NI KABAYOTIC BEAUTY AT NANALO PA, NATUWA AKO SA KANYA. KASI NEVER ONCE DID SHE RETALIATE AGAINST KABAYOTIC BEAUTY. INSTEAD, NAGPAKUMBABA PA AT NAGSABING PINANONOOD NG 2 ANAK NYA SI KABAYOTIC. O DEVAH? KAYA DI AKO NAGTATAKA NA ONE OF THE FRONTRUNNERS SYA DAHIL NAKUHA NYA ANG SIMPATYA NG MASA. BIRO MO, BINASH BA NAMAAN NANG TODO SA SOCIAL MEDIA AT GINAWAN NG KUNG ANU-ANONG MEME AT TINAWAG NG KUNG ANU-ANONG NAMES LIKE “ULIKBA.” WELL, PINOYS LOVE THE UNDERDOG KAYA AYAN, WINSUNG ANG LOLA! WELL, GRADUATE NAMAN PALA NG TOURISM ANG LOLA SA U.P. PERO HA, AFTER NG ELECTION ANG NASA TOP 5 NA, ABA, NAKA-MAKE UP AT LIPSTICK NA ANG LOLA. PATI BUHOK, AYOS NA AYOS. IBANG IBA SA NANCY BINAY NA HUMARAP NOON SA MEDIA AT CAMPAIGN.

    WELL, MISS BINAY, PROVE TO ONE AND ALL THAT  YOU ARE NOT WHAT YOUR BASHERS THOUGHT YOU WERE. AND PLEASE, DON’T REST ON THE “BINAY” LAURELS. MAKE A NAME FOR YOURSELF PARA DI KAYO MAAKUSAHAN NG POLITICAL DYNASTY PAG NAG-RUN NA SI PUDRA MO SA NEXT PRESIDENTIAL ELECTION. DEVAH?

  5. Ang mga Binay ayaw ng iwan din ang Makati. I used to live in Makati. I left for Canada in 1992 and the older Binay was then the Mayor,after his term the wife (Elenita) became his successor, then after the wife the son(Jun-Jun) naman. The other daughter  naman yata ay congresswoman. The newly elected daughter (Nancy) won as senator. The older Binay is now the Vice Pres. that’s what we call dynasty.  Please iwan na ninyo ang Makati . Give chance to other who is  also capable. What’s next for VP Binay, to be a President?  Come on my countrymen always vote wisely and don’t sell  your vote. Here in Canada we always have a clean & peaceful election, maybe that’s the reason why I’m not used of it now. No political dynasty. Just carrying the famous surname kahit walang political experience mananalo. Sabi nga nila IT’S ONLY IN THE PHILIPPINES.

    • Hoy day,, di mo nabanggit ung adapted nyang Daughter ginogroom na. Ang balak ata dun eh gawin munang SK chairman. At un ang hahalili kay Abigail sa pagka Congresista sa 2nd district ng Makati.. Kakapal ng Mukha. Lalo na ung Ama nilang Pangeeeeet.

      • walang problema sa gusto nilang i GROOM na kamag anak……. at the END…. ang TANONG…. Gising na ba ang Pinoy pag BUMOBOTO?????  o nag tutulog tulugan pa rin?????   

  6. Wag muna Mam Grace ala ka pa namang napatunayan eh.. Parehas lang kayo ni Nancy Binay Ala pang Pruweba. Ha 100x

    • I KNOW HA. KALOWKAH YUNG MGA INTERVIEWS KAY GRACE POE NUNG MAG-NO. 1 NA SYA. TINATANONG NA AGAD KUNG TATAKBO SYA FOR VP OR EVENTUALLY, PRESIDENT. HANOVAH! LET HER WORK AND DO HER JOB, AND THEN, WE’LL SEE KUNG MAY “K” SYA AT KARAPAT-DAPAT NGA BA. DEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.