Sen. Grace Poe, palalayain sina Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada ‘pag naging presidente?

Grace poeKUNG WALA nang urungan ang pagtakbo ni Senator Grace Poe sa pampanguluhan sa 2016, that makes the presidential derby a five-sided one for now.

Tambalang Grace-Chiz Escudero ang ngayon pa lang ay isinusulong ng nag-number one na mambabatas, who’s up against P-Noy’s anointed one, si DILG Secretary Mar Roxas.

Ang nakakulong namang si Senator Bong Revilla believes that he’s the biggest threat to Mar or any administration bet. Despite his lack of charisma and presidential aura, it doesn’t mean that we like Mar less than Bong.

As a matter of succession, tiyak na rin ang pagtakbo ni VP Jejomar Binay. And most recently, ang natalong presidentiable noong 1992 elections na si Miriam Santiago is also joining the fray anew. Here’s wishing she’ll be declared totally lung cancer-free by then.

Medyo nag-aalangan lang kami kung sakaling masungkit ni Grace—na hindi malayong mangyari—ang puwestong dalawang beses nang ninakaw umano ng administrasyong Arroyo—if only because of her late father FPJ’s long-standing friendship sa mga ama nina Bong at ang nakakulong ding si Senator Jinggoy Estrada.

Huwag naman sanang mangyari na kung sakaling magkaroon ng ikatlong babaeng Presidente ang bansa, Grace will not grant pardon nor amnesty to the lawmakers na sangkot sa pandarambong, lest she be accused of abusing her power in the name of “iba ang may pinagsamahan-ship”.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

8 thoughts on “Sen. Grace Poe, palalayain sina Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada ‘pag naging presidente?

  1. It’s the buddy system. FPJ owes a lot from the support given by the Estradas and the Revillas. It’s payback time. Kaya pag nanalo siya, surely the best way to show her gratitude is to pardon these crooks.

  2. Siguro ipinagsigawan na niyang palalayain niya kapag sya ang maging pres. para naman iboto sya sa mga tangingot na mga taong bomoboto kina junggoy at Bong magna.

  3. don’t put the cart before the horse. Masyado pang maaga para tumakbo si Grace for president. Kailangan muna niyang hasain ang sarili niya, patibayin ang mass-based resource at i- distance herself sa mga akusado sa pandarambong. Kailangan ang clean slate. Let the old stalwarts do their thing, or why not a VP for Binay or Miriam, puede yon.

  4. Totoo yan, sana si Miriam na lang ang maging Presidente ng Pinas, siguradong maging matino ito kung ekumpara sa ibang politiko dyan. Sana ipagdasal ng maigi para she will get better.

  5. Amen to that about miriam, kokak. Sana nga si miriam ang manalo. Siguro naman, pangangalagaan niya ang legacy na iiwan nia sa bansa. Dapat lang deserving din ang manalong vice president at susunod din sa matuwid na landas.

  6. Walang alam si Grace sa pagpapalakad ng bansa. Marami pa siyang dapat matutunan. Katangahan na lang kung iboboto siya at kung tatakbo naman siya, ilusyonada siya. Sana si Miriam na lang. Let’s pray that she gets well before the elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.