Sen. Bong Revilla, walang ‘K’ magmalinis – Rosanna Roces

HINDI NA NAMAN mapigilan ang pag-usok ng ilong ni Rosanna Roces sa tratong ginagawa diumano ng mga Revilla sa kanila. Nag-umpisa muli ito nang natutulog daw siya at nasa tabi niya ang apo niyang si Gabriel (na kung tawagin ni Osang ay Budoy), ay bigla na lang daw tangayin ni Jolo Revilla, at mula noon, hindi na ito naisipan pang isauli sa kanila.

Alalang-alala si Osang sa apo niya, at pati ang anak na si Grace Adriano ay mukhang nakikipag-usap na sa kanilang lawyer para kasuhan ng kidnapping ang mga Revilla.

Mula rito, lumabas sa bibig ni Osang na dapat daw ay supilin na ang sumpang ito sa angkan ng mga Revilla na ayaw ni Osang na dalhin pa ng kanyang apo. Na diumano, ang mga babae sa angkan ng mga ito ay napipindeha at ang mga lalaki’y hindi na mawala sa kung anu-anong isyu ng pambababae na karaniwa’y ikinasisira ng mga relasyon.

Nariyang bukingin ni Osang na ang driver ni Bong at ang yayang nag-aalaga kay Budoy habang nasa poder nila ay may sex scandal diumano pero pinababayaan lang samantalang puwede itong makaapekto sa kanilang apo, samantalang hayun daw si Senator Bong at nakikisawsaw sa sex video nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho.

Habang hindi gumagawa ng move ang mga Revilla para maisauli nang maayos ang apo ni Osang na si Budoy, tiyak na kung anu-ano pa ang ibubuking ni Osang. Inaakusahan si Osang na binabayaran lang daw ito ng kung sinumang politikong kalaban ni Bong. Pero, ito lang ang nasabi ng aktres: “Wala akong bayarang reporter at hindi ako magbabayad ng reporter para lang ako ipagtanggol. Kaya ko silang harapin sa kahit saan man. Hindi na ako dapat pang bayaran ng kung sino para sirain sila dahil matagal na silang sira!”

In fairness kay Osang, matagal na itong nananahimik. May rason talaga kung bakit umaalma na naman ito. Naging productive si Osang at nakagawa ng  tatlong indie films, ang Aurora, Manila at ang Karera na naengganyong gawin ni Osang dahil sa pagpayag ni Laurice Guillen na makasama sa cast nito.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

7 thoughts on “Sen. Bong Revilla, walang ‘K’ magmalinis – Rosanna Roces

  1. OO nga naman, nasaan ang Sawsaw King? Dapat nakisawsaw siya sa Prado-Gutierrez issue–asan ba siya? Kasi walang kangkangan naganap-kaya di siya intersado. Gusto niyang sumikat at manalo sa darating na halalan 2010–Idepensa niya ang Biuda at 2 anak na nawalan ng ama. This will tell of us na makamasa at makatao si Bong bilang senador. Wala eh! Takot kasi duon sa Bisayang psychopath. Baka siguro takot na maibulgar ni Bisaya yung relasyon nila ni ROPA. Anong pakialam ni Bong? Sa sex vids lang siya nakatutok! Manyak!

  2. Lani as congresswoman? Kasi, pag wala na si Bong sa senado, wala nang trabaho. Si Lani naman ang gustong kumita. Ang kanilang boss, kaban nang bayan.

  3. partly may point c rosanna. pero osang hinay-hinay lang. sa katrina-hayden scandal umepal lang to si revilla nakalimutan nya legislator sya hindi prosecutor hahahahaha, bobong senador, hay onli in da pilipins. acting wise walang galing. pogi ka na bong pero mag aral ka naman para may laman ang utak mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.