Sen. Bong Revilla, paid to keep mum on Hayden Kho case?

PINAGTAWANAN LANG NI Senador Bong Revilla ang kumakalat na kuwento ngayon na kaya raw hindi pa nasusundan ang unang paghaharap sa Senado nina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili ay dahil “nabayaran” na siya ng kampo ng doktor at ni Dra. Vicki Belo.

Mabilis na kumalat ang balita, pero ipinalagay lang ng mambabatas na isa na namang paraan ‘yun ng panliligaw sa tunay na isyung nireresolbahan ng Senado ngayon – ang kung sino ang nagpakalat ng mga sex videos sa merkado.

Hindi na pinagtatalunan ngayon kung sino ang nagbuo ng mga sex videos, walang ibang gumawa nu’n kundi si Dr. Hayden Kho. Ang doktor na sa halip na mahiya sa kanyang mga ginawang kahalayan sa kababaihan sa video ay parang insensitibo pa nga, dahil nu’ng minsang magpunta ito sa mall ay kumakaway-kaway pa sa mga taong nakakakilala sa kanya.

Naalala tuloy namin ang kuwento ni Manay Lolit Solis nu’ng magtangkang magpakamatay ang doktor. Kinabukasan daw nang magising ito, isang tanong ang kanyang ibinato sa mga tao sa kanyang paligid.

Agad nitong itinanong kung laman daw ba ito ng mga pahayagan nu’ng umagang ‘yun. Pero hindi nagtagumpay ang doktor, dahil itinago ni Dra. Belo ang nangyari sa kanya.

Parang lumalabas tuloy na puro drama lang ang kanyang ginagawa, masyadong matakaw sa publisidad ang doktor. Sa madaling salita ay isang KSP (kulang sa pansin) ang doktor na ito.

Siguro nama’y busog na busog na ngayon si Dr. Hayden sa mga publisidad na tinatanggap nito. ‘Yun nga lang, hindi pampapogi ang mga nasusulat tungkol sa kanya, puro pagkainis-pagkabuwisit sa kanyang ginawa.

Ayon kay Senador Bong, nakakatawa ang mga taong nag-iimbento ng mga kuwento para lang mailihis ang tunay na isyu. Hindi nga naman nagtagumpay ang grupong ‘yun sa pagkukuwestiyun sa kanyang kredibilidad. Lalong hindi binili ng publiko ang pagreretoke sa kanyang mga still photos sa isang pelikula para lang palabasing meron din pala siyang sex video.

“Kahit bilyon pa ang ialok sa akin, hindi ko ‘yun tatanggapin. Pinaninindigan ko ang sinimulan kong aksiyon. Tatapusin ko ito, nandito pa rin ako para sumuporta sa mga babaeng walang kalaban-laban na nabuyangyang ang buhay at kaluluwa sa mga sex videos na kinunan ni Dr. Hayden nang patago,” mariing pahayag ni Senador Bong Revilla.

Marami pang ibang kuwentong palulutangin ang kampo ng doktor para maiba ang direksiyon ng interes ng publiko, kung anu-anong senaryo ang puwede nilang palabasin, pero hindi sila magtatagumpay.

Magaling nang kumilatis ang publiko ngayon kung panligaw lang ba ang mga pinalulutang na kaganapan. Ang tunay na isyu pa rin ang hinihintay ng ating mga kababayan, hindi ang mga kuwentong-kutsero riyan para lang sirain ang kredibilidad ng mga tumutuligsa sa kanila.

NU’NG UNA, KUWENTO-KUWENTO lang ang diumano’y namumuong relasyon nina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. Nasa kalagitnaan na ang mga tsismisan nang mapabalitang nag-break na sina John Lloyd at Liz Uy. Si Ruffa agad ang pinagbintangan ng marami na dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Nu’ng magtagal-tagal, ipinanganak na ang kuwentong nagkasama sila nang matagal na panahon sa isang hotel. Pareho nilang pinabulaanan ang kuwento, pero ayaw pa ring mamatay-matay nu’n.

Lalong naging kapansin-pansin ang situwasyon nang magkaroon ng hidwaan sina Ruffa at ang kanyang ina. Para huwag nang lumala ang kanilang away, nagdesisyon si Ruffa na umalis muna sa kanilang bahay.

Magkaiba ang sinasabi ng mag-ina. Ayon kay Ruffa, walang ibang taong sangkot sa away nilang mag-ina. Pero ayon naman kay Tita Annabelle, may isang young actor na nagpapadala ng bulaklak at pagkain sa aktres sa kanilang bahay.

Sino kaya sa kanilang mag-ina ang nagsasabi ng totoo? Si John Lloyd Cruz ba ang tinutukoy na batang aktor ng ina ni Ruffa?

Ang mga kuwentong-showbiz pa naman kapag ayaw mamatay-matay, ibig sabihin ay totoo ‘yun.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

10 thoughts on “Sen. Bong Revilla, paid to keep mum on Hayden Kho case?

  1. And lastly HAYden, Yan naman ang napala mo. Masyado ka kasi malibog. That’s the price you have to pay. Si Vicki naman next time pigilin mo galit mo. Wag ka magtiwala sa ibang tao agad. Ayan nakakuha ng kopya at ikinalat. Damay ka na. Sa mga senador utang na loob wag yan ang asikasuhin nyo. Ang bansa natin na maraming mahirap. Wag na kayong mangurakot pa. Di nyo madadala sa hukay yan. At IKAW LOLIT at CRISTY maging totoo kayo. Magsisi kayo dahil ang buhay di mo masabi. Kayo din baka abutan kayo ng di nakakapagsisi. Huli na ang lahat. Now is the time. REPENT !!! and turn to GOD!

  2. Napanood mo ba sex video mo KATRINA? kung pano ka humalinghing at mag acrobat sa sex nyo ni HAYDEn? Obvious na enjoy na enjoy ka. Tanong ko lang: Naisip mo ba si DRA> VICKI BELO nung time na yun na sarap na sarap ka? Tas ngayon may gana ka ba lumabas at mag inarte? Buti si Maricar tumahimik. Hindi guilty si Maricar kasi nung time na yun BF nya si Hayden at di pa sila ni vicki. Notice mahaba pa buhok ni Hayden nun. E dun sa video nyo. malinaw pa sa sikat ng araw na bago yun. SIla na ni Vicki. Astig ka din Katrina!!!

  3. Pati yung launching ng LINGERIE mo Katrina. Pa smile smile ka lang kuno habang nag fa fashion show kay Hayden na nakaupo katabi si Vicki yun pala smile ni HUDAS ka. dahil nagpapakangkang ka na nun kay HAYDEN tapos ngayon may piyak iyak ka pa sa script mo sa senado. HIndi bagay sa yo ineng.

  4. Ipaubaya nyo na yan sa korte at wag na kayo mag gatong pa sa isyu. Ngayon kasi Kampi kayo kay ktrina dahil akala nyo nasa kanya simpatiya ng bayan. HELLO!! nagkakamali kayo. Mag interview kayo ng nasa corporate na ayaw lang mag comment at ng malaman nyo na wala kay katrina simpatya. Wala kayang delikadesa at utang na loob si KATRINA HALILI kay Vicki belo dahil inahas na nya BF sya pa ang endorser. Di ba at ginawa nyang TANGA si Vicki BELO. Traydor sya. Best actress yang si KATRINa kc nung birthday kasama si Hayden kumakanta at kunwari smile lang sya kay HAyden nun dahil andun si Vicki nanonood sa harap ng stage yun pala e NAGKAKAKANGAN na SILA ni HAYden. GRABE. Nasan ang Konsensya mo ineng?

  5. Ito namang si Lolit at Cristy umaariba din. Ano gusto nyo gawin ni Hayden nung nasa restaurant sya? Mag iiyak? mag mukhang gusgusin at mgkunwari katulad nyo? Plastic kasi kayo ni lolit solis. To si Lolit talaga ang nakakagitil. Sasabihin pa ang tactic nya noon sa kawalanghiyaan nya sa Manilafest e naga anyong tupa sya at nag sorry sa publiko para mapatwad. Tapos daw ayun pinatawad daw sya. UNGAS!!! Sino nagsabi sayo na pinatawad ka na ng tao? At sino nakalimot sa kawalanghiyaan mo? BALIW lahat yun tandang tanda namin. Pati kaso mo kay SAM at PIOLO. Tsk. tsk. bago nyo tingnan baho ng iba baho nyo muna..

  6. Tas gusto nila si Hayden madiin dahil lang sa mga arte ni katrina na akala mo VIRGIN pa kung maka iyak iyak. E kung gumiling at makipag sex e masahol pa sa may asawang babae na sampu anak. Hello, Maging fair sana tayo.

  7. Bong Revilla and Cristy Fermin should stay away from these matter. Wala namang naglilihis ng issue about the Sex scandal ah. Kayo lang actually ang nakakagulo. Kayo ni Loli Solis mukhang pera ang magulo. Umaarte kayo na akala mo mga abokado. Lalo na to si Lolit pag naiipit na kunwari sasabihin wag ilihis ang issue. Na kesyo si Hayden Kho ang nag video. OO na ga si Hayden na nga nag video sa mga babaeng ahas (Maliban kay Maricar) na nang AGAW kay Vicki Belo e sino ba nag upload sa internet? Si Hayden Ba? Proven na ba? Dapat ang i push ni Bong Revilla e ang mahuli ang nag kalat hindi yung nag video. E pano kung ordinaryong tao ng video ng sex nila at ninakaw at ikinalat, kakasuhan mo yung mga nsa video? E sila ang biktima at ninakaw video. Lalo naman hindi mo pdeng questionin yung tao bat nila video sex nila. e gusto nila e hindi para ikalat kundi para kanila lang. Ganun halos ang scenario ng kay Hayde.

  8. If were going to ask ourself who is right person who is in the right position to react? walang karapat dapat, kasi walang perpekto.

    Tama lang ang ginawa ni Sen. Bong Revilla

    The main issue hir are hayden but now im just wondering why we have to jump to the next issue while the previous issue is not yet done. lets stick with the issue first and focus mainly on it.

  9. Bwakanang ama mo Bong Revilla! Para kang walang kadiring ginawa ah. Kung tutuusin mas can2tero kang walang puknat compared to Haden. Gago ka palang talaga eh bakit hinde mo isama yung sarile mo sa pagiging manyakis of the century dahil sangkatutak din ang iniyot mo. Oh baka may interes ka ring kantutin yang Katrinang triple X ng Pinas he he he. Basta sosyohan mo lang kami GTG ka na!!!

  10. Dapat ibA nalang mag reaCt wag na si b0ng, wag n xa makialam. Kawawa ang mga kaBaBaiHan kanya pero ama nya, sya at anak nya ang kumakawawa sa MGA kaBaBaiHan.. Bong pwde bA, npakalaki ng kasalanan ni haydEn pero bkit parang walang kasalanan si katiHing katrina kung ipagtangGol m0? Ok lng b na mang-agay xa ng bf ng my bf? Cguro daHil nkakarelate ka at ng bu0ng angkan m0.

Leave a Reply

Your email address will not be published.