Sen. Bong Revilla, no plans of running for higher position

OLA CHIKA! MEDYO matagal-tagal na ring hindi kami nagkakausap ng guwapong senadro na si Bong Revilla. Ngunti sa birthday ng kaibigan ko at kasamahan sa hanapbuhay na si Joebert Sucaldito, nagkita kami at siyempre, ang lola n’yo, kinilig nang may pahalik-halik pa sa Sen. Bong sa akin. Hahaha! Hayyy!

Siya, siya… nagkausap kami ng asawa ni Lani Mercado, at naitanong ko sa kanya kung totoo ba talaga ang balak niyang tumakbo sa mataas na posisyon sa gobyerno.

Ngunit hindi pa ‘yun ang tamang panahon upang sagutin ni Sen. Bong ang mga ganyang klaseng tanong. Gayuman, pinaunlakan niya akong makapanayam siya. Mariin niyang sinabi na noon, pumasok sa isip niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon, ngunit ayon sa payo ng kanyang ama na si dating Sen. Ramon Revilla, Sr., hindi na raw muna.

Ayon daw sa ama ni Bong, bata pa siya at puwedeng ilaan niya muna ang kanyang tulong sa ibang paraan. Kaya naman sinunod niya ito.

Oo nga naman, marami pa namang puwedeng gawin ang guwapong senador. Isa pa, bata pa siya at nasa tungkulin na rin naman siya, ‘di ba? Hindi na nga siya mahihirapan kung sakaling tumakbo siya sa mas mataas na posisyon. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Sen. Bong Revilla, no plans of running for higher position

  1. utang na loob bong ,wag kna tumakbo,di kna nahiya,ala nmn kayo ginawa sa cavite kundi mangamkam ng lupa ng farmers..at the same time ala nmn ikaw ginawa sa senado kundi magbutas ng bangko…at maglustay ng jonda…hmmmo

Leave a Reply

Your email address will not be published.