Sen. Bong Revilla, mas sigurado raw sa Senado! – Ogie Diaz

WOW! ANG TARAY! Naka-P15 million ang first day gross ng Ang Tanging Pamilya ng Star Cinema at inaasahang ngayong weekends ay lalo pang lalakas.

“Magandang birthday gift sa akin ‘yan, mare,” sey ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang mismong kaarawan.

“Sana maging Box-Office Queen ka, mare,” biro namin sa kanya.

“Naku, sana nga, magdilang-anghel ka, mare!” Sakay naman ang Ai-Ai.

Juice ko, meron pa bang dapat patunayan si Ai-Ai sa takilya?

ITO ANG TINATAWAG na me asim pa si Erap. Sa edad na 74, sino namang artista at that age ang puwede pang pumatok sa takilya, ‘di ba?

Kahit very limited engagement lang ang appearance ni Erap sa Ang Tanging Pamilya, eh, in fairness, me hatid na suwerte pa rin siya sa takilya at aba, mahal pa rin siya ng mahihirap na noon pa ay supporters na niya.

Me magic pa rin ang Lolo Erap. Ewan ko kung gagawa pa siya ng movie o last na ‘yon.

BONGGA ANG BIRTHDAY party ni Tita Malou Choa-Fagar, ang vice-president ng TAPE Inc., ang producer ng Eat… Bulaga!.

Hindi namin alam kung ilang taon na siya, basta ang alam lang namin, edad lang niya ang nagbabago at hindi ang hitsura niya.

Past 11 in the evening na kami dumating pero ‘andu’n pa rin sina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla with matching Lani Mercado.

Nakausap namin si Bong at yes, confirmed nang tinanggihan niya ang alok ng Palasyo na tumakbo siyang runningmate ni Gibo Teodoro bilang vice-president.

“Mahirap ‘yan, eh. Tatakbo ako kung may sapat akong makinarya. Pero baka kapusin ako.

“Saka ikinunsider ko rin ang desisyon ng dad ko na tumakbo na lang uli akong senador.”

Tama ang desisyon ni Bong. Du’n na siya sa sigurado, ‘di ba?

SI ANJO YLLANA, tatakbo nga ba siyang vice-mayor uli ng Parañaque?

“Hindi muna. Masakit sa ulo! Okay na muna ako rito,” maikling sey ni Anjo.

Naging konsehal si Anjo bago naging vice-mayor. At ang alam naming babalik at tatakbo uling mayor ng Parañaque ay si Joey Marquez. Let’s see kung me asim pa ang Lolo Joey n’yo.

Magkatiket kaya sila ni Alma Moreno na tatakbo uling konsehal?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

13 thoughts on “Sen. Bong Revilla, mas sigurado raw sa Senado! – Ogie Diaz

  1. Sana mapanood rin namin ito at sana buong cast nang Tanging Pamilya magkaroon nang personal appearance rito sa California. If ever we have to see the movie, it is because of Toni Gonzaga and Sam Milby. I saw their premier on SNN, compliments of our TFC. Talagang classy ang ganda ni Toni. Simpleng simple ang damit pero maka agaw pansin. We laughed at Mommy Dionisia. Talagang pang red carpet ang suot. Akala mo dadalo nang Emmy awards. Sayang lang at hindi ito kasama sa MMFF dahil sa political candidacy ni Erap. Anyway, siguradong blockbuster na naman ito. We are also awaiting the Robin and Toni movie. What else can this girl ask for? Nakasama na niya ang maraming icons mula ka FPJ to Erap to Robin. Si Dolphy rin sana sa isang movie.

  2. Huwag ka nang tumakbo. Pati si misis mo na si Lani, huwag na ring tumakbo. 99.9% na talo kayo. Wala nang may gusto sa inyo. Inutil.

    • Oo nga pala. iyong 1% na boboto sa iyo, inilaan ko sa mga kamaganak mo. Marami naman kayo di ba? Mga kapatid mo nga sa labas, malaking porsiyento na nang populasyon. INGAT LANG KAYO. BAKA SA DAMI NANG NALAHIAN NINYO, KAYO KAYO MAGKAASAWAHAN. HA HA HA!

  3. naku po. sana wag tong manalong senador. pati si lani wag din manalong sa kongreso. Taong bayang mag isip bago bumoto. ogs, miss ko na ung locomotion mo. hehehe

  4. syempre wise cya dahil alam nya na hindi cya mananalo bilang bise mg ilusyun ba puro gmik lng ito wala nman nagawa sa senado yung katrina scandal nakisawsaw lng mag sabong ka nalang sa cavite colisium no….. pati iyung si lani tatakbo rin sa congress walang kaaapeal mtaray yan sa personal no

  5. miss o nakikinig ako sa radio show mo thru internet kasi nasa canada ako nadiscobre ko yung show mo noong umuwi ako sa pnas , sana hanggang 2 hrs yung radio mo kasi minsan bitin nakikinig din me before noong nasa dzmm ka…

  6. matalo ka sana bong. wala kang inatupag kundi mambabae at gumawa ng pelikula.

    kamusta naman ung kapatid mong nag bugbog ng katulong. nambubugbog pa rin ba??

  7. Naka-P15 million ang first day gross ng Ang Tanging Pamilya ng Star Cinema.

    Eh ang Patient X , sa sampung araw ay 10.5 milyon alng yata. Tsk..tsk..tsk.

    Kaya tahimik ang kampo ni Annabelle Rama!!

  8. Maski naman tanggapin niya ang VP role, hindi rin sila mananalo. mas lalu na ang pagka senador. Wala nang K ang taong ito. Marami na ang nagtatanong kung ano ang nagawa niya para sa bayan. Inutil na walang silbi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.