Sen. Bong Revilla Jr., unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag sa kaso

Bong-RevillaPARANG UNTI-UNTI nang may liwanag itong sitwasyon ni Sen. Bong Revilla kaugnay sa kasong kinakaharap niya ngayon.

Sinubaybayan ko naman ang hearing niya sa Sandiganbayan at so far, wala pa rin talaga silang maipakitang ebidensIya na involved si Bong sa PDAF scam na ‘yan.

Kaya umaasa talaga siyang mapagbigyan siya ng Sandiganbayan na makapagpiyansa habang nililitis ‘yung kaso.

Ang isa pang magandang senyales, binigyan siya ng isang araw na ma-confine sa St. Luke’s Global para makapagpa-check-up.

Lumalala na kasi ang Migraine niya at ipapa-check na rin niya ang Hypertension niya kaya na-confine na ito sa hospital nu’ng kamakalawa lang, at kahapon naman siya lumabas at binalik sa Camp Crame.

Naku! Naisip ko nga, I’m sure na-miss siya ni Sen. Jinggoy Estrada nang isang gabi lang.

Siyempre nakasanayan na nilang magkasama sila sa Costudial Center ng Camp Crame at biglang nawala si Bong para magpa-confine.

Nakabalik na rin si Bong kahapon at okay naman ang pakiramdam niya. Pero hinihintay pa ang medical bulletin na ilalabas ng St. Luke’s.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag sa kaso

  1. Nagaaksaya lang tayo ng panahon diyan kay Bong hindi naman talaga siya ang mastermind ng PDAF scam. Yung mga kaalyado ni Pnoy bakit hindi iniimbestigahan.

  2. Unti unti na ngang lumilinaw ang kaso. Kawawa ang mga taong nalihis ang paniniwala na may kasalanan talaga si Revilla.

    • Totoo yan! masyado kasing ginawang sensational ng media ang balita kaya hinusgahan siya agad. Kahit na wala pang napapatunayan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.