Sen. Bong Revilla Jr., umatras na sa Metro Manila Filmfest

NALULUNGKOT DIN si Sen. Bong Revilla na hindi na siya matutuloy sa Metro Manila Film Festival.

In-announce na nga ni Chairman Francis Tolentino ng MMDA na umatras na ang pelikulang My Super Kap ni Sen. Bong.

Ang sabi kasi ni Bong, hindi raw talaga kaya na makahabol sila sa deadline dahil 3D pala ang balak nila sa pelikulang ito.

Hindi pa raw sila nagkakatugma sa schedule nina Toni Gonzaga at Ai Ai delas Alas kaya malabo raw talagang matapos nila on time.

Nakapanghihinayang din daw dahil hindi talaga ‘yan umaatras, at gusto talaga niyang makasali sa filmfest.

Pero itutuloy pa rin daw nila ang pelikula, kaya lang sa susunod na taon na ito.

Mabuti rin ‘yan para walang pressure na kailangan makahabol sa deadline.

Ang dinig ko, ang ipapalit na pelikula ay ang drama na pagsasamahan daw nina Carla Abellana at Jake Cuenca.

Sa Regal kaya ito?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., umatras na sa Metro Manila Filmfest

  1. Masasabi ko lang tanga pa ang boboto sa mga magnanakaw nato. Di na kayo nakonsyensya. Nakakatulog kapa ba Bong? Tignan nyo ang daming tao na nagugutom pero kayo nagpapasarap sa pera ng taong bayan.

  2. WALA NA KASING PAGKUKUHANAN NG BUDGET YUNG BASURA NYANG PRLIKULA!!!! GALING KASI SA PORK BARREL NYA YUNG IPINANGPROPRODUCE NYA SA MGA WALANG KA KWENTA KWENTA NYANG PELIKULA!!!! KINURAKOT NA SA BAYAN PINAGKAKITAAN PA AT TUMUBO PA!!!1 SAN KA MAKAKAKITA NG NAPAKAGANID NA TAO AT PAMILYANG TULAD NYAN????? ONLY IN CAVITE!!!!! MGA PAMILYANG GANID SA KWARTA AT KAPANGYARIHAN!!!! SANA MA CONVICT AT PATAWAN NA AGAD NG PARUSA TONG PART TIME SENATOR NA TO!!!!! KAPAL NG APOG!!!

  3. nega kasi ang dating ngayon kaya umatras,d nga naman maganda na sangkot sa pangungurakot, ayan kasi madami ang sinusustentuhan kaya tawag ng pangangailangan, kaya nga hindi nag attend nung sona takot masabon, sabi nga ni pinoy saan nyo kinukuha ang kapal ng mukha nyo, aray ko

  4. JUICE KOH, MGA KAPWA KO PINOY, MAGISING NA KAYO. BALITANG TATAKBO ITONG PRESIDENTE SA 2016. JUICE MIO.

  5. Takot lang siya na mag flop dahil sa Pork Barrel Scam na 10 billion pesos na kinasangkutan niya at ng mga kurakot na sina Jinggoy Estrada, Bong Bong Marcos, Bong Revilla , Juan Ponce Enrile at Gringo Honasan. Mga magnanakaw kasi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.