Sen. Bong Revilla Jr., umaasang makapagpipiyansa

Bong-Revilla-JrHINDI NA ako umabot sa hearing ni Sen. Bong Revilla sa Sandiganbayan dahil mabilis lang pala.

Meron daw isang witness nila na hindi nakasipot dahil nagka-Dengue. Tapos ang sabi sa akin, wala naman daw may napatunayan ‘yung ibang witness du’n sa isyu ng Anti-Money Laundering Law na ibinibintang sa kanya.

Hay, naku! Kahit anong pigil pa nila sa akin, magsasalita talaga ako. Kasi hindi talaga tama na ‘yung halagang 87 million pesos kinukuwestiyon sa kanya.

Ano ‘yun? Iyon lang ang pera ni Bong? Sa laki nang kinikita niya sa GMA 7, hindi pa kasama du’n ang mga pelikulang na-produce niya na lahat ay kumita.

Sabi nga niya nu’ng nakaraang hearing sa huling interview sa kanya, mahigit isang daang pelikula ang nagawa niya at lahat ‘yun ay kumita. Hindi man blockbuster lahat, pero kumita ‘yun dahil Bong Revilla na siya, ‘no!

Wala nga raw siyang flop kahit isa, kaya kung ‘yun lang ang halaga ng perang ibinibintang sa kanya, panis ‘yan!

Pero sabi nga niya, lahat daw ‘yun ay patutunayan niya sa korte, kaya hintayin na lang natin dahil hinaharap ito lahat ni Bong.

Minsan nga nadadalaw ko siya du’n sa Camp Crame, nakikita kong malungkot siya dahil siyempre hindi na kagaya ng dati na marami ang dumadalaw. Pakonti nang pakonti na karamihan ay pamilya, mga abogado niya, staff at malalapit na kaibigan.

Kaya iniisip na nga niya kung aabutin pa siya ng Pasko du’n, hindi niya maisip kung paano nila i-celebrate ‘yun. Kaya sana nga tuluy-tuloy na rin ang hearing sa bail, dahil alam niyang maga-grant ang bail sa takbo ng mga pangyayari sa kasong ito.

Sabi na lang ni Bong, lahat daw ‘yun ay kaya niyang mapatunayan na wala siyang kasalanan sa sambayanan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., umaasang makapagpipiyansa

  1. Medyo tagal tagal na rin sigurong di naka hawak ng sangkatotak na pera,ayon nangangati na !Lecheng mga magna!

  2. hahaha hindi na si Pnoy ang nagpapatakbo ngayon sa Gobyerno ni Abnoy wala na ring Vice Pres….ang nagpapatakbo na ng Gobyerno ni Pnoy ay si Mar Roxas na at ng kanyang Liberal Gang hahahah get ninyo hina naman ninyo,,,kaya DUTERTE FOR PRESIDENT tayo sa 2016

    • hahahha planado na yan na yung tatlo lang ang sasampulan dahil mga oposisiyon sila, anyare? nasundan pa ba yung Hearing sa Pork Barrel scam waleey na,,dahil mga kaalyado na ni Pnoy ang masasangkot doon hahahaha kaya nag iba sila kunyari ng istilo si Nognog naman ang pinag didiskatihan nila hahahah

  3. hahahah naku Bong asa ka pa? sentensyado ka na nina Pnoy at Boy pick up wait mo na lang na mawala sila sa pwesto bago ka makawala diyan hahahaha inisa isa na kayong mga taga Oposisyon hahahah nagyon naman si Boy Nognog naman ang binabareta hahahah well ganyan talaga ang buhay sabi nga ni Erap WEDER WEDER lang yan tiis muna, wala na silang 2 years,,,pag na swertehan balikan mo ang mga nagpakulong sa inyo ni jingoy hahahaha

  4. Malaki naman talaga ang kinikita ng mga artista e, Kaya nga kahit bagitong artista pa lang kaya na nilng makapagpatayo ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.