Sen. Bong Revilla Jr., tiniyak na hindi sa guilty sa pork barrel scam

AYAN NA! Sumuko na si Janet Napoles! Ano ang susunod na mangyayari? Tuloy na ang imbestigasyon, ‘di ba? Kaya siguro du’n na lang tayo tumutok sa imbestigasyon at huwag nang mang-akusa nang kung anu-ano, ‘di ba?

Pati nga ako nadamay dahil sa mga nakuwento ko sa radyo nu’ng nagkausap kami ni Arnold Clavio.

Nadamay na naman ako at ang daming nagsabi sa akin na mag-ingat daw at baka pati ako ma-implicate sa malaking gulong ‘yan.

Hindi naman kasi ako nagku-computer kaya hindi ko alam ang mga napag-Uusapan sa Internet, dahil wala nga akong Twitter, Facebook at Instagram.

Kung ano ‘yang mga pina-follow n’yo na gamit ang pangalan ko, poser po ‘yun at wala akong kinalaman diyan.

Anyway, naging viral na pala ‘yung interview kay Lani Mercado sa taping ng Basang Sisiw na sinabi niyang kung tanggalin ang pork barrel, huwag nang manghingi ang mga tao sa kanila.

Diyos ko, ‘day! Kung anu-anong panlalait na ang inabot ni Lani pati sina Sen. Bong Revilla at ang buong pamilya na akala mo sila na ang pinakamasamang tao.

Napakinggan ko ang interview kay Lani at sa totoo lang, nabigyan ng malisya ang linyang ‘yun ni Lani. Hindi naman ibig sabihin na dahil sa pork barrel ay tumutulong sila.

Sa totoo lang, kelan lang pumasok si Lani sa pulitika at noon pa man ay tumutulong na siya sa mga humihingi ng tulong sa kanila.

Nakita ko nu’n, ang daming taong pumunta sa bahay nila para humingi ng tulong at araw-araw raw ‘yun.

‘Yung pumupunta du’n ay hindi umaalis na bigo kundi meron talagang nabibigay ang buong Pamilya Revilla.

Noon pa man ay tumutulong sila, wala pa sila sa posisyon kaya unfair naman na pagbintangan ng kung anu-ano sila.

Maaring mali lang ang pagkasabi ni Lani, pero ang ibig lang naman niyang sabihin, kung ganyang patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga tao, saan nga naman sila ngayong kukuha ng pondo para ipamigay na tulong?

Kaya nga nilinaw niya, kung magbibigay ng pondo o PDAF dapat ay transparent lang at ilabas sa publiko kung saan napupunta ang pera.

Sabi nga ni Lani, kung tatanggalin ‘yang PDAF, okay lang na tanggalin basta lahat ay tanggalan at hindi ‘yung pinipili lang.

Mabuti’t sinimulan na ang imbestigasyon kaya tingnan na lang natin kung ano ang kalalabasan nito at managot na ang dapat managot.

Sabi naman ni Bong, haharapin niya ito at tinititiyak niyang hindi siya guilty sa iskandalong ito.

 

Claudine, nagsampa ng kasong pang-aabuso laban kay Raymart

 

HINDI PA rin tapos ang gulo ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Nag-file na si Claudine ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children laban kay Raymart.

Isinampa na niya ito nu’ng kamakalawa ng umaga sa Deputy City Prosecutor Linda Adame-Conos ng Marikina Regional Trial Court.

Sinuportahan ito ng Gabriela at sinamahan siya ng magulang niyang sina Mr. Miguel at Mommy Inday Barretto.

Umiiyak si Claudine na humarap sa media at galit na galit si Mommy Inday na nagsalita laban kay Raymart. Kaya nandiyan daw ang suporta niya sa kanyang anak.

Naku! Pati nga si Gretchen Barretto ay meron ding maanghang na sinabi si Mommy Inday, kaya abangan n’yo ‘yan sa Startalk bukas.

As of presstime, wala pang statement mula sa kampo ni Raymart at dapat niyang sagutin ito, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

22 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., tiniyak na hindi sa guilty sa pork barrel scam

  1. ARTICLE  IN INTERAKSYON NGAYON : What will have a more profound impact on society, Janet Napoles going to jail or a bunch of senators and congressman landing behind bars?
    TRANSLATION :
    ANO ANG MAS MAY BIGAT AT IMPORTANTENG PAGTATAMA sa ating Bansa at Officials? ANG PAGKULONG KAY NAPOLES  o  MAHULI ANG MODUS OPERANDE NG MGA SENATOR AT CONGRESSMAN SA PAGNANAKAW AT MAKULONG??? 

  2. Anong hindi  guilty sa puks mo lolit?Diba RAmon Revilla Jr. sya?Eh sya ang nangunguna sa listahan na napakalaking halaga nasa kamay nya 1.02B tapos di sya guilty?Kakapal ng mga mukha ninyo!Paripariho kayo nagtatago lang sa iisang kumot.

    • Diyos ko, ang koneksyon ngayon ni Lolit kay Napoles parang humahaba na yata, hahahahahaha, kailangan embestigahan lahat may koneksyon kay Napoles.

  3. O yan Lolit, may article din dito sa pinoyparazzi about sa alaga mong isa, si Lani Mercado, daming bumanat na commentors dun na utak tahong daw.  Totoo ba yan?

  4. HAHAHAHA. TODO TANGGOL ITONG SI LOLITA KAY BONG. PALIBHASA NAKALUSOT KA SA FILMFEST SCAM NOON DAHIL SA KATANGAHAN NG JUDGE NA NAG-DROP NG CASE KAHIT NAGDUDUMILAT NA LAHAT NG EBIDENSYA. PWES, MAGSAMA KAYO NITONG SI AGIMAT SA KULUNGAN. MGA MANDARAMBONG!

    • Yup, who is Lolit kidding?  Akala siguro ni Lolit walang utak ang sambayanan.  Hay nako, kaya daming mga artistang gustong  pasukin ang politics, alam na!!!!!!

  5. Napaka-sinungaling talaga ni Lolit eh sa Ayala Alabang kaya nakatira sila Lani at Bong, eh paano makakapasok ang kung sino-sino doon eh napaka-strikto kaya ng security sa Ayala Alabang.

    At sabi pa ni Lolit huwag daw magaakusa ng kung ano-ano eh siya nga ang nag-aakusa sa radio interview niya na tumanggap si PNOY ng campaign contribution kay Napoles.

    At bat sila magkasama ni Napoles? Binibigyan din ba siya ng pera ni Napoles? Kung mapatunayan ng guilty itong si Napoles dapat ibalik din ni Lolit yung mga na-harbat niya kay Napoles.

  6. mukhang pera si lolit solis…ai naku..sino naman maniniwala sa yo…kasama ka sa payroll ng mga revilla…mga baboy kayo…

  7. Iisa lang ang script writer nitong si revilla at Jinggoy..Iba ang pumirma at Engot na d nila alam ang nangyayari..Akala nila producer pa sila sa TV at pelikula na madidikta ang takbo ng storya at isip ng tao.. Magkumpare, magkaibigan..iisa ang takbo ng utak..

  8. SIGE,,IPAGPATULOY NIYO LANG ANG PINAG GAGAWA NYO < AKALA MO UTAK TAHONG ANG TAONG BAYAN??? MGA CAVITENYO LANG NABOBOLA AT TINATAKOT NYO..Malaki ang PILIPINAS… D ka na nahiya! MGA janitor, camera man, boom man…NINANAKAWAN mo ng PORSYENTO ng Buwis na BINABAYAD NILA…GMA 7 ano ba naman talents nyo??? galing pa naman ng news team niyo pero talents nyo Sotto, Revilla , Guitierezz , Ejercito, PURO CORRUPT!..REVILLA MAKONSENSYA KA NAMAN PAG MAY TIME ka ha..at D puro denial presscon lang..GMA nakakawalang bilib na , suportado nyo corrupt talents nyo

  9. Tama na pagtatanggol sa bong na ito bistado na sila grabee anyway remember me Karma yan babalik sa inyo lahat ng panglalamang nyo at pangaabuso nyo wait nyo lang kakapal nyo maawa jayo sa aming mga pinoy na kumakayod ng maayos pinaghihirapan ang bawat sentimo na nakukuha namin wala kayong awa mga gahaman

  10. IBALIK NA ANG DEATH PENALTY!!!1 UNAHIN NA SILA BONG REVILLA, JINGGOY ESTRADA ENRILLE AT HONASAN!!!!!! DAPAT I PUBLIC EXECUTE YANG MGA YAN BITAY O FIRING SQUAD PARA WALA NANG TUMULAD!!!!! DAPAT DIN AYUSIN ANG MGA BATAS! MAS HIGPITAN AT GAWING MATATAAS ANG MGA PIYANSA AT MGA PARUSA!!!! MASYADONG KASING MALUWAG ANG BATAS AT MASYADONG NAWILI SA SOBRA SOBRANG DEMOKRASYANG NATATAMO ANG MGA PINOY KAYA BABOY NA BABOY ANG PILIPINAS!!!! HINDI SINESERYO AND MGA BATAS AT BINABALEWALA!!!!

  11. Weeeh? Sino’ng maniniwala sa article mo,.alam nman ng marami na alaga mo si bong. Hoy lolit,tigilan mo na nga ang pagtatanggol ky bong magnanakaw na yan, porke alaga mo yan ipagtatanggol mo kahit magnanakaw yan..mukha ka talagang pera lolit…sangkot nman talaga yang bong magnanakaw sa pork barrel. Dapat ipakulong yan!

  12. Tama siyempre marami siyang nakuhang pera sa mag asawa na iyan! Magnanakaw dapat alisin sa puwesto at ikulong! Ibalik ang pera or kunin lahat ang mga ariarian na galing sa bayan! Sana huwag huminto ang pinoy tungkol dito sa pork barrell issue na ito. Ikulong lahat ang nangurakot! Tama na! Sobra na ang tiniis ng mga pinoy!!

  13. Puwde ba Lolit, harbat queen, tigilan mo ang pagtatanggol sa magnanakaw na ito. Napangalanan na siya kasama si Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile sa 10 Billion pork barrel scam. Maraming magsasakang katulad namin ang naghihirap pa rin dahil ang Farmers Foundation na dapat makatanggap ng pondo sa mga magnanakaw na ito, walang natanggap. Ibinulsa nila ang pork barrel na dapat ay para sa amin. Siguro, sangkot ka rin. Ginamit ka ba nilang money launderer at ang lakas ng loob mong ipagtanggol sila ? Dapat imbisitgahan ka rin..

    • Nakapag aral ako at nakapag tapos dahil sa pagsisikap ng magulang ko na nasa bukid hanggang dilim at hindi dahil sa tullong ng Lani na ‘yan. Hindi ako naging scholar ng sinuman. Sana makulong ang lahat ng magnanakaw na ito. Pati ang anak nilang si Bryan, dapat makulong din.

Leave a Reply

Your email address will not be published.