Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Estrada, ayaw ng mga jail guard na makalaya

Bong-Revilla-Jinggoy-EstradaIT HAS been a running joke for more than five months now among the jail guards assigned at the detention facility at Camp Crame, kung saan nakapiit sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada na huwag daw munang lumaya ang mga mambabatas.

It’s not because the prison guards believe that the lawmakers should be pinned down on plunder and graft charges, kundi para raw kasing piyesta roon sa tuwing may mga dumadalaw na bisita.

Food—lots of it—brought by visiting friends overflows like there seems no tomorrow. At dahil hindi naman kayang lantakan ‘yon nina Jinggoy at Bong, marami sa mga pagkaing ‘yon ay ipinamimigay na lang kesa masira. Hence, busog na busog ang mga bantay sa preso.

Our source adds, “For sure, hindi lang pagkain ang ibinibigay sa mga guard, may datung din!” No, hindi ‘yon bribery. Likas na raw kasi ang pagiging bukas-palad ng dalawang senador.

Oo naman, showbiz press knows too well kung gaano ka-generous si Bong. Our source says, “Between Bong and Jinggoy, mas generous si Jinggoy. Mana sa ama (Manila City Mayor Joseph Estrada)!”

No wonder, lab na lab daw ng mga bantay ang dalawang mambabatas.

Meanwhile, another highly placed source na nakausap namin swears that granting both senators their petition to spend the holiday season with their respective families is far from happening. Simple lang daw ang ikakatuwiran ng korte…eh, ‘di mag-Pasko sa Camp Crame.

 

PRESSURED SI Jingo sa responsibilidad sa kanyang newborn triplets, dito iikot ang episode this Sunday ng Ismol Family.

Stressful para kay Jingo ang gastusin sa binyag, lalo pa’t ang gusto ng kanyang biyenan na si Mama A ay isang fabulosang baptismal party.

Samantala, nawawala naman ang 10 packs ng nilupak na tinda ni Majay. Nagtataka sila kung saan napunta ang mga ito. Nalaman na lang nila na si PJ ang “salarin.”

Aanhin ni PJ ang mga nilupak? At bakit abut-abot ang mga problemang pinagdaraanan ni Jingo? At ano ang magiging reaksyon ni Majay kapag nalaman na magte-text si Jingo kay Tetet?

Meanwhile,ganoon na lang ang galit ni Krippy sa Pasko? At paano siya mapagbabago ng nobela sa koopad? Ano ang pangako ni Yumi kay Ethan sa darating na Christmas?

Sala-salabat na kuwentong nag-uumapaw sa riot, ‘yan ang hatid ngayong Linggo ng Ismol Family, 6:45 pm, no on its Season 3!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

8 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Estrada, ayaw ng mga jail guard na makalaya

  1. hindi daw lagay ganon sino niluluko nyo at may datung pa kasama tsktsk…di nman nila pera yan pera ng bayan kasi till now di pa rin nababawi mga kinurakot nila…bayaran talaga bakla reporter na ito taga startalk ..binayaran ka ba ni lolit solis

  2. Panday alam namin wala kang kasalanan, mahal ka namin mga fans mo! sana kahit nasaan ka man’ ipagpatuloy mo magbigay sa mga taong mas nangangailangan!

  3. di yan bribery, natural lang na magbigay ka ng sobra kung hndi mo naman ito kailangan. kung kayo din naman ang meron ng sobra ibibigay mo din sa iba.

  4. MABAIT TALAGA SIYA, PERO WALA TAYONG MAGAWA KASI SYA ANG DINIDIIN NILA PARA LANG MAPAGTAKPAN ANG MGA NASA LIKOD NG SCAM NA TOH .

  5. makikita naman natin kung gano mapagbigay itong si Bong, sana mapagbigyan sya na magpasko kasama ang pamilya nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.