Sen. Bong Revilla Jr., pati showbiz career apektado ng pork barrel scam

AT THE rate the inquiry into the pork barrel scam is going, pressured ang mga bumubuo ng Senate Blue Ribbon Committee na mareresolba na ito sa pagtatapos ng buwang kasalukuyan.

Anong petsa lang ba ngayon, to think na hindi naman ganu’n kadaling papanagutin ang ilang mga mambabatas sa kasong pakikipagsabwatan sa pandarambong? The respondents have yet to be given their day in court.

Tulad ng alam ng lahat, isa si Senator Bong Revilla sa mga lehislador na idinadawit ang pangalan sa scam, and of those ay bukod-tanging siya lang—by virtue of his showbiz work—ang may regular TV exposure via Kap’s Amazing Stories.

So, ano na ang posibleng mangyayari sa kanyang palabas if—God forbid, ayon sa kanyang mga tagasuporta—indeed he’s part of the imbroglio?

Although we are not privy to the details of the meeting ay nagpulong na ang produksiyon sa likod ng naturang programa who came up with a “just in case” action plan.

 

HULING NAG-INGAY ang talent manager na si Annabelle Rama through Twitter in response to the allegations made by her Cebu-based first cousin na nagdemanda sa kanya ng kasong estafa.

But prior to this, Tita A—as she’s fondly called in showbiz circle—made news nu’ng tumakbo siya nitong May 2013 elections bilang kongresista sa kanyang distrito in her native Cebu, but lost.

Her career as artist manager sa ilang mga artista including her children has since seemed to have taken a backseat all because of her political preoccupation. Tuloy, kapansin-pansin ang pagkawala sa sirkulasyon ng kanyang mga alaga, na kunsabagay are way below the superstar status tulad ng Madrigal sisters Ella and Michelle.

Dinig namin, ipinaubaya na raw ni Tita A ang pagma-manage ng kanyang Royal Era Entertainment sa kaibigang Jun Lalin, hence his ubiquitous presence sa mga showbiz event ng mga artistang nasa kuwardra nito.

Has Tita A finally given up managing her artists in favour of local politics na bagama’t natalo siya noong eleksiyon ay desidido siyang karirin ito para sa kapakanan ng kanyang kapwa Cebuano?

Totoo rin ba na bibitiwan na rin ni Tita A ang pagma-manage mismo kay Richard Gutierrez who’s reportedly eyeing Joji Dingcong as manager to salvage whatever is left of the actor’s career?

 

Sikat na aktres, mahina talaga sa Ingles

 

BLIND ITEM: Aware pala ang mga nakapaligid sa isang sikat na aktres kung gaano ito kahina pagdating sa pag-i-Ingles, a woman of form lang naman talaga kasi ang aktres na ito na walang something sa pagitan ng kanyang mga tenga.

Paano raw sila nagkakaintindihan ng kanyang Ingliserong dyowang actor, whose past girlfriends speak good English?

Sa pagkakaalam namin, nagtapos naman ang aktres sa kolehiyo, ‘yun nga lang, sa isang hindi kilalang unibersidad sa labas ng Metro Manila. But what gives?

Hindi kung saan nag-aral ang aktres na ito ang isyu, but rather her ability to express herself in the language that she’s more comfortable with.

Kesehodang lengguwahe pa ‘yon ng mga taga-Mariana Islands o Riviera in the Mediterranean.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

13 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., pati showbiz career apektado ng pork barrel scam

  1. Wala ng career si mandaram-Bong. Goodbye na sa pangarap niyang maging president sa 2016. Baboo na rin kay Lani Wanna Be First Lady. Mga magnas.

  2. Nagmamalinis na nman ang bong magnanakaw na toh..paawa effect na nman. Litse ka bong wala kang awa..madami ka ng pera bat kelangan mo pang magnakaw grabe ka! Magnanakaw ka!

  3. May balak pa ring maging congresswoman ang hitad na estafador ? Siguradong habol niya ang pork barrel pantakip sa mga tsekeng na-issue niya na tumalbog. Magsama sila ni Mandaram-Bong.

    • Di daw pwedeng si Anghet yan dahil SIKAT daw eh. Buti sana kung SIKAT DATI aka LAOS. Kahit pulpol din sa English yan si Anghet at walang sense magsalita pag-iniinterview. Hakhakhak!

  4. Itung mga Revilla ang kakapal ng mukha. Mula Lolo hanggang sa apo magnanakaw. Dapat ilibing ang mga ito ng buhay. Dapat di tumigil ang mga Pilipino hanggang mawala ang mga ito sa mga pwesto nila.

      • Fantard ni Flop queen si Shenantot. Shhhhhhhh, want to know a secret shena-antot ? Secret daw ang kinita ng kung fu divas ni Mariantot dahil nakakahiya raw ang numbers, kaya seeeeecret ! Ha ha ha.

      • At fantard ka naman ni LAOS QUEEN. Remember siya ang record holder ng BIGGEST FLOP MOVIE OF ALL TIME na ANGELS, produced by and starring Pakangkang Angel Locsin. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.