Sen. Bong Revilla Jr., nag-birthday sa Sandiganbayan

Bong-RevillaIPINAGDIWANG NI Sen. Bong Revilla ang kaarawan niya kahapon sa Sandiganbayan.

Tamang-tama naman, kasi ‘yun ang hearing ng petition to bail niya, pero wala pa akong balita kung na-grant o ano.

Basta positive naman si Sen. Bong na maaayos ‘yun at mabibigyan siya ng pansamantalang kalayaan sa kasong hinaharap niya.

Nakadalaw nga ako sa kanya nu’ng kamakalawa ng hapon at marami na ang dumadalaw sa kanya para mabati ito.

Iisa lang naman ang wish ni Bong, na makalabas na ito, at siyempre lumabas ang buong katotohanan sa kasong hinaharap niya.

Kaya dinalaw ko na siya nang maaga para hindi na ako makasabay sa dami ng mga gustong dumalaw para mabati siya.

In fairness, marami rin sa mga taga-showbiz ang ‘di nakalimot at pinuntahan nga siya sa Crame.

Basta ako tinandaan ko ang mga taga-showbiz na nakatrabaho niya na nakaalalang dumalaw. Iyon na rin ang susuportahan ko forever!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Sen. Bong Revilla Jr., nag-birthday sa Sandiganbayan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.