Sen. Bong Revilla Jr., magsasalita sa isyu ng pork barrel sa muling pagbubukas ng Senado

Bong-Revilla Bong-Revilla-JrNAKAKALOKA NAMAN si Sen. Bong Revilla nung naka-lunch namin sa Anabel’s nu’ng nakaraang Biyernes.

Hindi niya talaga napigilang maluha nu’ng nakita niya ang mga kaibigang movie reporters.

Na-miss daw niya kasi ang mga ito dahil kapag Pasko halos sunud-sunod ang mga pa-presscon ni Bong para sa entry niya sa Metro Manila Film Festival

Nitong nagdaang taon lang siyang hindi nakasali kaya tahimik ang Pasko nila at hindi sila busy.

Pero sabi ni Lani Mercado, ang magandang nangyari lang sa kanila dahil wala silang entry, nagkaroon sila ng panahon para magsama sa pagsisimba at pagba-Bible study.

Natanong nga si Bong kung magpapalit na ba ito ng relihiyon dahil sa madalas niyang pagba-Bible study kasama ang mga pastor.Hindi naman daw.

Mas mabuting napag-aralan daw nila ang mga salita ng Diyos. Kaya kahit mabigat ang dinadala nila ngayon, natitiyak ni Bong na makakabangon siya at lalabas ang buong katotohanan.

Sa January 20 raw sila babalik ng Senado at magsasalita na yata si Bong. Ito bale ang kauna-unahan niyang pagsasalita pagkatapos niyang masangkot sa malaking gulong ‘yan.

Sinabihan nga naming huwag siyang masyadong emotional. Baka mamaya maiyak-iyak siya sa privilege speech niya. Kaya susuportahan namin ang pagsasalita niya sa Senado.

Pupunta kami du’n para magbigay-suporta sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., magsasalita sa isyu ng pork barrel sa muling pagbubukas ng Senado

  1. c lolit nabubuhay lang yan sa abuloy ng mga taong pinagtatakpan nya..magkano na naman kaya ang naisungalngal sa timang na ‘to..

  2. HOY…LOLIT HARBAT…PAYUHAN MO YANG ANAK ANAKAN MO NA AMININ NA NIYA ANG PAGNANAKAW NYA AT DI YANG GUMAGAMIT PA NA BIBLE WITH MATCHING “CRY ME A RIVER” PA. ANG KAPAL NYU. KUNG SINCERE YAN SA BIBLE STUDY KUNO….DAPAT TAHIMIK NA LANG SYA AT DI NA LANG PINAGSISIGAWAN PA SA DYARYO AT MEDIA NA NATUTO NA SYANG HUMAWAK NG BIBLE. JOSKO, PATAWARIN SANA KAHYO SA PINAGGAGAWA NYO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.