Sen. Bong Revilla Jr., kasama sina Vicki Belo at Hayden Kho sa Holy Land

Ramon-Bong-Revilla-JrNATAWA NA lang si Sen. Bong Revilla nang nalaman niyang magkakasama sila nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa biyahe nila sa Holy Land.

Alam ko aalis sila sa end of the March dahil inimbitahan ito ng grupo ng kaibigan niyang pastor sa CCF o Christ’s Commission Fellowship.

Doon naman kasi madalas na nagsi-service si Hayden at isinasama raw nito si Vicki.

Nagkuwento si Vicki sa book launch ng librong A Dream Body Come True na isinulat ni Edward Mendez na dating na-link din sa kanya.

Nu’ng nakaraang Sabado ng hapon ang launching nito na ginanap sa National Bookstore sa Glorietta 1, at siyempre sa kadaldalan ni Vicki, naikuwento niyang aalis nga sila ni Hayden pa-Holy Land, pero muntik na raw siyang umatras nang nalaman niyang makakasabay niya sa biyahe sina Sen. Bong at Lani.

Alam ko kasama rin nina Sen. Bong at Lani ang anak nilang sina Bryan at si Ram. Matagal na nilang pinlano ito, at wala na raw atrasan.

Pero si Vicki nagdadalawang-isip dahil hindi raw niya alam kung ano ang gagawin niya kapag magkita sila roon ni Sen. Bong.

Naisip naman daw niya baka pinag-adya daw talaga ito ng Diyos na magsama sila sa biyaheng ‘yun, kaya bahala na raw.

Iyon din ang sinabi ni Bong, eh. Kung ano man daw ang plano ng Diyos, bahala na raw. Kung talagang magkaayos sila roon, ibig sabihin, ‘yun na ang kagustuhan ng Diyos.

Naku! Sana nga magkaayos na sila, ‘no! Siyempre love ko si Bong at ang buong pamilya niya. Love ko rin si Vicki, kaya hindi na ako mahihirapan, ‘no!

At least nagkaayos na ang mga taong parehong love ko!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., kasama sina Vicki Belo at Hayden Kho sa Holy Land

  1. Kung totoong nagbalik loob ka sa Panginoon dapat mag-repent ka sa mga kasalanan mo at humngi ng kapatawaran.

    Itong si Bong ginagamit ang Diyos para idepensa yung mga kalokoohan niya.

    Pa bible study at pilgrimage pang nalalaman, hay talagang taong ito di na natakot sa Diyos.

    Sino kayang naniniwala sa gimik nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.