Sen. Bong Revilla Jr., ipaiimbestiga sa Senado ang ‘harassment’ sa kanila

NAKAKALOKA NA ha?! Tuluy-tuloy pa rin ang pangha-harass kina Sen. Bong Revilla at sa buong pamilya.

Akala ko tapos na ‘yung nangyari nu’ng nakaraang eleksyon, hindi pa pala, ‘day!

Nu’ng kamakalawa lang nakausap ko si Bong, at sinabi nga niyang may nakarating daw na impormasyon sa kanila na nakakuha na raw ng search warrant ang PNP at anytime daw puwede na silang puntahan sa bahay nila sa Cavite para halughugin ito.

Ang ikinaloka pa namin, hindi lang pala ang bahay nila sa Cavite kundi pati raw ang bahay nila sa Alabang. Bakit pati du’n?

Meron pa ngang nagparating sa kanila na ang order daw, walong bahay ng mga Revilla ang isi-search nila.

Ano ‘yun? Nakakaloka naman! Doon lang sa Cavite nangyari ang insidenteng ‘yun, kung saan nagkaengkuwentro ang NBI at PNP ng Cavite. Tapos pati ang bahay sa Alabang idinadamay?

Sabi raw walong bahay, eh kaninong bahay pa ang papasukin nila.

Hindi masagot ni Bong kung bakit ginagawa sa kanila ‘yun. Wala naman silang kaso, basta may mga hinala lang daw sila na merong mga nakatagong mga baril sa bahay nila.

Willing naman si Bong na mag-search sila, basta legal lang at merong warrant. Pero wala yatang judge na magpipirma kaya naghahanap pa raw sila nang magpipirma.

Nakabantay naman ang media sa lugar nila, at pati na rin yata sa bahay nila sa Alabang.

‘Yun na lang daw ang pangsangga nila Bong, dahil gusto nilang makikita ito ng publiko at baka nga naman meron silang i-plant ‘pag makapasok sa bahay nila.

Ang inaalala lang nila, ang Daddy nila na nasa loob lang ng bahay nila. Mahina na nga naman ang matanda.

Basta malinaw na harassment daw ‘yun sa kanila, at pulitika talaga ang dahilan.

Sabi nga ni Bong, alam naman ng nasa itaas ‘yan, bakit daw hinahayaan ‘yun.

Ginagawa raw sa kanya ‘yan na isa pang senador, ano pa kaya ang gagawin nila sa mga ordinaryong tao.

Balak ni Bong na ipaimbestiga ito ng Senado, dahil hindi raw talaga niya naintindihan bakit ginagawa ito sa kanila.

 

SA KABILA nang pangha-harass kina Bong, natuloy na rin ang pagproklama kina Lani, pati si Jolo Revilla at Mayor Strike Revilla dahil ang laki naman ng kasi ng lamang nila sa kalaban. Kaya wala silang magagawa kundi tanggapin na ang pagkatalo nila no!

Kaya malaki ang pasasalamat ng pamilya Revilla, lalo na si Bong dahil nandiyan pa rin ang suporta ng buong Cavite sa kanila.

Pagkatapos nitong lahat, magbabakasyon muna si Jolo at malamang kasama si Jodi Sta. Maria.

Nakatakda namang pumunta ni Bong sa Amerika para sa malaking event doon ng GMA-7, at isasama niya si Lani para magbabakasyon na rin sila tuloy.

Alam ko, halos lahat na mga tumakbo nu’ng nakaraang eleksyon ay magbabakasyon muna bago sila manumpa sa susunod na buwan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

7 thoughts on “Sen. Bong Revilla Jr., ipaiimbestiga sa Senado ang ‘harassment’ sa kanila

  1. KAPAL NANG APOG TALAGA NITO NI BONG!!! MAGAAKSAYA PA TALAGA NG PONDO NG BAYAN AT ORAS NG MGA SENADOR PARA PAIMBESTIGAHAN ANG PESTENG INSIDENTE SA BAHAY NILA!!!! OI BONG WALANG PAKIALAM ANG BUONG PILIPINAS SA NANGYAYARI SA INYO!!! GAHAMAN KASI PAMILYA MO SA KWARTA AT KAPANGYARIHAN ANIMAL KA!!!!!! MAS MARAMING PROBLEMA ANG PINAS KESA SA INYO GAGO!!!! MAGTRABAHO KA PARA SA PINAS HINDI PARA SA PAMILYA AT BULSA MO GAGO!!!! DUN KA SA PULISYA AT MAGDEMANDA KA GAGO!!! WAG MU AKSAYAHIN ANG PERA NG BAYAN TARANTADO KA!!! DAMING MAHIHIRAP NA WALANG MAKAIN DAMING WALANG TRABAHO AT KAILANGAN NG TULONG GAGO!!! UUNAHIN MO PA YANG LETSENG INSIDENTE SA BAHAY NYO AT SA SENADO AP TALAGA GAGO!!!! MAHIYA KA NAMAN TARANTADO KA PART TIME SENADOR KA NA NGA LANG EH!!!!

    • tama..ang kapal ng mga mukha itong mga animal na ito, ginagatasan lang nila ang governo sabagay ang lalaki at makapal ang mga mukha..tama ginagawang part time nalang nya ang pagiging senador hayop na ito, nagpapayaman lang sa pera ng taong bayan..isa pa yang kupal na si lani nayan, plastic yang bruhildang yan ang kapal ng mga pag mumukha

  2. Klokohan!!! Tong si lolit solis iniiwas ang totoong issue!!!!! Bakit may mga high-powered na armas sa compound ng mga revilla!? Yun ang issue!!!! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.