Sen. Bong Revilla Jr., ibinasura ng Sandigan ang hiling na piyansa

Bong-RevillaHINDI MAGANDA ang balitang sumalubong sa akin pagbalik ko sa ilang araw na bakasyon kasama ko ang anak at apo ko.

Ibinasura raw ng Sandiganbayan ang petititon to bail na hiniling ni Sen. Bong Revilla.

Kahit nakikita namang wala silang mailabas na matibay na basehan sa mga ikinakaso nila kay Bong, hindi pa rin ito pinagbigyang makapag-bail.

Nakikita ko namang matibay na si Bong at nakahanda na siya sa kung ano man ang mangyari. Kaya patuloy lang siya sa pagdarasal.

Ang mahalaga, nandiyan ang suporta ng pamilya at ng mga malalapit na kaibigan.

Marami nga ang nakapansin kay Jolo Revilla na malaki ang ipinagbago nito. Siya ang laging nagsasabing “in God’s perfect time” ibibigay ito ng Diyos sa kanyang ama.

Malaking bagay rin ang suporta ni Jodi Sta. Maria kay Jolo. Tahimik lang sila at hindi nila napag-uusapan, pero nandiyan lang ang suporta nlla sa isa’t isa.

Nu’ng kailan lang, nag-open si Jodi ng isa pa niyang bagong negosyo sa isang mall sa Alabang, at nandu’n lang si Jolo para sumuporta sa kanya.

Hindi naman nawawala ang suportahan nila sa isa’t isa, pero tahimik lang silang dalawa. Wala pa namang balita ng kasalan. Abangan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Sen. Bong Revilla Jr., ibinasura ng Sandigan ang hiling na piyansa

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.