Sen. Bong Revilla Jr. at Hayden Kho, nagkabati na

Bong-Revilla-Jr-Hayden-KhoNAGKITA SA kanilang pilgrimage trip sina Hayden Kho at senator Bong Revilla. Nagpakuha pa sila ng picture together kaya naman tapos na ang samaan ng loob sa pagitan nila. Nag-post pa ng photo si Hayden sa kanyang Instagram account pero when we accessed it ay na-delete na niya yata ito dahil hindi na namin ito makita.

The photo came with this caption: “But this is really the most amazing part of the trip- a miracle. No judgements please and no sour comments. All heavens rejoiced for another soul pledged for Christ. Blessed be the God and Father olf our Jesus Christ, the father of mercies and God of all comforts, who comforts us in all our affliction, so that we may be able to comfort those with any affliction, with the comfort with which we ourselves are comforted by God. Corinthians 1:3-4.”

Marami ang hindi nagkagusto sa picture nina Bong at Hayden. Puro nega ang comments sa social media. Noong kasagsagan ng sex scandal ni Hayden ay isa si Sen. Bong na bumatikos at humiling na alisan ng lisensiya si Hayden bilang doctor. Sumama ang loob siyempre ni Hayden.

But now, everything is water under the bridge. Naghilom na ang sugat sa pagitan nila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.