Sen. Bong Revilla, Bagong Chairman ng Lakas-CMD

SI SENADOR Bong Revilla na ang bagong chairman ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Itinalaga ang senador bilang paghahanda sa eleksyon sa Mayo, habang pumalit sa kanya bilang pangulo ng partido si Leyte 1st District Cong. Ferdinand Martin Romualdez.

Si Cong. Edcel Lagman ang dating chairman ng Lakas-CMD subalit matagal na itong nagbitiw.

Sinabi ni Revilla na hindi maaaring maliitin ang kanilang partido dahil may 800 hanggang 900 pa silang miyembro na tumatakbo sa iba’t ibang lokal na posisyon.

Samantala, tumanggi naman sina Revilla at Romualdez na kumpirmahin ang kanilang tambalan sa 2016 presidential elections, sa harap ng balitang ipantatapat si Revilla kina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ng mambabatas na hindi pa siya handa para rito pero naghahanda na rin siya.

Ihahayag naman ng partido kung sino sa 10 kandidato sa pagka-senador ang susuportahan, isang buwan bago ang eleksyon.

Hati anila ang bilang ng mga susuportahang senatorial candidates mula sa United Nationalist Alliance (UNA) at Liberal Party (LP).

Sa ngayon, hindi naman aniya kaila-ngan pang kumonsulta kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa mga susuportahang kandidato dahil sa mahirap na access dito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at hindi na rin ito nakikialam sa partido.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.