Sen. Bong Revilla at Bossing Vic Sotto, pinagsasabong sa billing ng pelikula

NAKATUTUWA SI BATANGAS Governor Vilma Santos-Recto. Talagang buong-ningning niyang ipinagmamalaki na 57 na siya nitong katatapos niyang kaarawan. ‘Yong iba kasi kapag nagkakaedad na, gustong ilihim o ayaw na nilang napag-uusapan pa ang age nila.

Para kay Governor Vi, wala naman daw problema ang numero sa edad. Ang importante raw, kung paano mo dadalhin ang sarili mo.

Sa ngayon daw, parang wala na raw pang mahihiling ang Star For All Seasons. Aniya pa nga, “As of now, I’m living comfortably. Intact ang family ko. Masaya ako sa pamilya ko… ang mga kapatid ko… ang Mama ko nandiyan pa.”

Pero kahit happy raw siya sa kanyang buhay at maging sa nagiging takbo ng political career niya, nami-miss pa rin umano niya ang showbiz. Dangan at pinili niyang i-prioritize at mag-fulltime na muna sa pagiging gobernador ng Batangas.

“Nami-miss ko talaga, sa totoo lang. But… andidito ako, inilagay ako rito ng Panginoon. And I’m doing my best,” sabi pa ng actress-politician.

So… out muna nga sa ngayon sa isip ni Ate Vi ang pag-arte.

RECENTLY AY NAGSAMPA ang kampo ni James Yap ng motion for gag order sa Makati Regional Trial Court na naglalayong pigilan ang ex-wife na si Kris Aquino na magsalita pa sa media tungkol sa kanilang annulment. Nakatakda ang pagdinig dito ngayong Biyernes (November 5).

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ni James, isa raw kasi itong family case na dapat ay sa loob lang ng korte pinag-uusapan. They have found Kris daw ventilating her concerns to media. And it has to stop daw because it’s not fair. At nagiging daan umano ito ng trial by publicty.

Si Kris naman, ayaw na raw palakihin pa ang issue. Anything she says daw will just be misinterpreted. Kaya pabor din daw siya sa nasabing gag order.

Kung anu-ano na rin naman daw ang ibinato sa kanya ng kampo ng dating asawa. Kaya kung sa pakiramdam daw ng mga ito ay sila ang natatamaan, wala na umano siyang magagawa.

Pero okey lang daw, sabi pa ng actress-TV host. It will be good, and it will also be a blessing daw for Bimby (Baby James) na wala nang magsasalita.

Oo nga!

BAGO PA MAGING issue sa billing  sa pelikula nilang Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote, si Senator Bong Revilla na ang nag-suggest na dapat ay ang pangalan na ni Vic Sotto ang mauna. Seniority wise, billing doesn’t matter daw para sa kanya. Kaya give-way na raw siya kay Bossing.

Ang mas importante raw para kay Senator Bong, magawa nang maganda ‘yong pelikula. At magustuhan umano ng manonood.

Ngayon pa nga lang, marami na ang nag-aabang sa unang pagsasamang ito nina Senator Bong at Vic sa pelikula. Parang two-in-one kasi ang dating. Kaya may mga nagsasabing baka ito ang rumatsada sa takilya nang husto at maging top grosser sa lahat ng entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

At ‘yong sa billing, wala naman ngang problema kung mauna man ang pangalan ni Vic dahil may end naman. At sa title, nauna naman si Senator Bong. Kaya walang problema talaga.

Big deal lang naman ito sa iba na naghahangad na intrigahin sina Senator Bong at Vic. Pero malabong mapagsabong ang dalawang aktor dahil hindi nga issue ang billing sa kanilang dalawa.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

16 thoughts on “Sen. Bong Revilla at Bossing Vic Sotto, pinagsasabong sa billing ng pelikula

  1. Pakisingit ng ibang balita! Nabasa ko sa Manila Bulletin ang awayan nina Cristy Fermin at Alex de Rossi dahil sa blind item ni Cristy na kumakain na lang daw si Alex ng pancit canton para lang makabayad sa mortgage sa kanyang bahay. Para sa akin, wala namang masama kong kumakain lang ng Pancit Canton, basta ang pera napunta sa bahay which is a good investment. E ikaw Cristy Fermin, yong ibang pera mo napunta lang sa mga demanda, bakit nabayaran mo na ba Cristy Fermin si Annabel Rama sa l million pesos sa pagkatalo mo sa demanda ni Annabel? Di ba ang court ang nag demand na bayaran mo si Annabel? Go Alex Go!!! Huwag mong atrasan yong Cristy Fermin na yon. Itong si Alex, intelligent, hindi bumili ng mga designer clothes, bags, shoes, instead ginamit ang utak at bumili ng bahay. Alex will become a good wife and mother.

    • Go Alex go!!!! At least yong pera mo binili mo ng pancit at hindi mo winawaldas pambayad ng mga demanda. At ikaw Alex maganda at payat ang katawan mo, itong si Cristy Fermin nga, makakain naman siya ng Crispy Pata pero tingnan mo naman ang katawan nya, naging crispy pata tuloy tingnan, pandak, parang palaka ang mukha at ang tiyan, malaki, palakang palaka tingnan ang katawan niya.

  2. magkaugali, magkamukha kung asan ang pera andoon sila! magaling manira, mataras na dila ang tanging meron sila! bubukang bibig alam na natin kung anong dala! kaya mga kababayan ko wag padadala sa kawalanghiyaan ng dalawa!

    • Parang si Boy Abunda hindi bayaran. Pero medyo bias nga sya sometimes kong ang ini interview nya ay mga alaga nya kasi hindi nya atakihin ng difficult questions or sometimes walang follow up questions kagaya kong ibang mga personalities ang ini interview nya. Tingnan mo yong ginawa nya sa interview with Hayden sa The Buzz, very difficult ang questions nya, pero e compare mo sa interview nya with Mariel or some of his alaga, talagang iba ang ataki sa pag interview. Sana lahat pantay pantay.

    • alam nyo kung saan channel nagtratrabaho ang dalawang kapal muks nato kaya wag nyong hayaan na manuod sa channel 5 / 7. kc wala ka namang makikita sa kanila kundi kasamaan! ingat sa dalawang mukhang palaka!

  3. nabulilyaso ang pagtakbo ni bong revilla para maging presidente ng bansa, ganyan talaga ang way nya para ma attract nya mga bata at mga manunuod laging gumagawa ng mga pelikula na swak sa masa.

    pero pagdating sa senado bokya, nagbubutas ng silya. kasi bopols, hindi makapag debate kila miriam santiago. wala rin siya kalingkingan ni enrile, pero palaging present yan sa picture taking. at makati sa babae, maraming inaanakan na mga babae. kaya maraming anak sa labas, anak na gawa ng kasalanan sa diyos. nakaka-awa nga lang ang mga batang pinapanganak na dala -dala ang mga kasalanan ng mga magulang, walang kapatawaran yan sa diyos hahapitin yan ng mga anak nila..

    • Totoo lahat sinabi mo, wala akong respeto sa mga taong gumagawa ng ibang extra marital affairs maski happily married pa raw sa kanilang present wife! Napaka insulto nyan sa asawa nyang si Lani Mercado. Para na ring sinasabi ni Bong na gagawin nya ang gusto nya kahit nandiyan si Lani kasi hindi naman importante ang feelings, dignity at pagkatao ni Lani at mga anak nila.

      • At nang parang twin sister ni Cristy Fermin pala na si Lolit Solis, almost forgot the this other $%^$%$%^%$$%$% :$) Hayyyyyyyyyyyyy!!!! ang buhay nga pala!!!!!!

      • naisip ko lang bakit nagpapaka-martir si lani mercado kahit harap-harapan na syang niloloko ng asawa nya? binababoy ni bong hindi lang ang pagkatao at pagkababae nya kundi pati na rin ang pamilya nila. parang binaboy sya ni bong dahil hinayaan nya.

      • Siguro dahil sa in love talaga si Lani kay Bong at pinabayaan na lang nya or maybe baka dahil na lang siguro sa kanilang mga anak hinayaan na lang ni Lani para hindi ma broken family, guess ko lang naman ito! Nagagandahan talaga ako sa mukha ni Lani.

    • I still don’t understand how Cavite can support this guy. Another GMA junior. Lani, a congresswoman? What a joke. Cavite, mayroon ba tayong utak?

Leave a Reply

Your email address will not be published.