Sen. Bong, panlaban pa rin sa 2016 elections

NANANATILI PA rin si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang pangunahing ikinokonsidera ng Lakas party na ilaban sa kandidato ng administrasyon sa 2016 presidential elections.

Sinabi ni Lakas chairman at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na hindi sila nababahala sa isinampang plunder case ng DoJ laban sa senador hinggil sa PDAF scam.

Sa katunayan, kapag nag-iikot umano ang mambabatas ay matunog pa rin ito kahit may kinakaharap na reklamong pandarambong.

Bukod dito, napatunayan na rin umano sa ilang pagkakataon na ang kaso ay hindi nagiging sagabal sa pagtakbo sa panguluhan.

Inihalimbawa naman ni Romualdez si dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na tumakbo muli sa pagka-presidente noong 2010 presidential elections kahit na-convict na sa plunder case at muntik pang muling masungkit ang puwesto ng pumangalawa kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Pero para naman sa prosekusyon ng PDAF scam case, partikular na si Atty. Levito Baligod, naniniwala silang matibay ang naturang kaso laban kay Revilla at umaasa silang may mararating ang reklamo na nakabinbin pa rin sa Office of the Ombudsman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.