Sen. Bong, Inisnab ang Paratang na Publicity ni Genelyn

AYAW NA UMANONG patulan ni Sen. Bong Revilla Jr. ang akusasyon ng ina ni Ramona na si Genelyn Magsaysay na ginagamit lamang nito ang kontro-bersya sa pagkamatay ng half-brother na si Ramgen Revilla bilang publicity sa darating na eleksyon.

Paninindigan nito ang kanyang hamon sa dating aktres na si Genelyn na pabalikin sa bansa ang anak na si Ramona na ngayon ay pinaniniwalaang tumakas na patungong Turkey, ayon sa senador.

Tahasang sinabi ng senador na dapat ay harapin na lang ni Magsaysay ang katotohanan at manatili lamang sa Pilipinas si Ramona kung hindi ito guilty sa kabila ng pagkakasangkot sa kasong pagpatay sa sariling kapatid.

Una rito, naglabas ng bagong statement ang dating aktres kung saan muli nitong pinasaringan ang senador.

Wala pang korte na humahawak sa kaso kaya wala pang nakababang Warrant of Arrest sa kanyang anak, ayon naman kay Genelyn.

Sa katunayan aniya, bilang nanay na namatayan ay siya pa nga ang dapat magdemanda pero kabaligtaran ang nangyari.

Binigyang-diin ng ina ni Ramona na sana ay huwag gamitin sa publicity ang pagkamatay ng anak na si Ramgen.

“Nakikiusap po ako, ‘wag n’yo na po sanang gamitin ang pagkamatay ng aking anak na si Ramgen para sa kung anu-anong publicity. Mahiya naman kayo! Simpleng tao lang po ako, ano po ba ang laban ko sa isang malaking pulitiko?” galit na pahayag ni Genelyn.

Binanggit pa nito na mayroong tatlong sangay ang gobyerno na nanga-ngahulugan daw na ang desisyon at pagpapatakbo nito ay dapat malaya sa isa’t isa at walang pakialamanan.

“Kaya hindi pupuwede na senador ka na, mambabatas ka pa, hukbong ka pa,” dagdag pa ni Genelyn.

Kasabay nito ay mu-ling idinepensa ni Magsaysay si Ramona kung saan natural lang daw na mataranta na ang sinuman sa pinangyarihan ng krimen.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.