Sementeryo mas pinili kaysa selda

MAS NINAIS ng isang lalaki na mamatay kaysa makulong sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Pangasinan.

Sinasabing nabulaga ng isang putok ng baril ang awtoridad sa lalawigan na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban kay Jimmy Tan, negosyante ng Barangay San Pedro East, na kinasuhan ng panggagahasa ng kanyang dating kasambahay.

Ayon kay SPO2 Remilio Mendoza, may hawak ng kaso mula sa Rosales PNP, nangyari ang insidente sa mismong silid ng nagpatiwakal na si Tan.

Pasado alas-2 ng hapon, aniya, nang magsilbi ng warrant of arrest ang mga awtoridad kay Tan kaugnay na rin sa kaso nitong Rape sa dating kasambahay ng nakalipas na taon, subalit ang tanging lumabas lamang umano ng bahay ay ang asawa ni Tan na nakiusap na huwag nang banggitin pa ang kanyang pangalan.

Habang nakikipag-usap umano sa labas ng kanilang bahay ang misis ni Tan, biglang nakarinig ang mga ito ng isang putok ng baril.

Nagmamadali aniyang pumasok sa silid ang asawa ni Tan kasunod ang mga kawani ng Rosales PNP at dito na bumulaga sa kanila ang biktimang nakahandusay sa silid nito at duguan habang katabi nito ang caliber .45 na baril na ginamit sa kanyang pagpapatiwakal.

Isinugod naman agad sa pagamutan si Tan subalit idineklara itong dead on arrival.            (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.