Selosong mister, nagpakamatay

ILOILO – DAHIL SA sobrang kawalan ng tiwala sa sarili at selos sa magandang misis, isang mister ang nagpakamatay sa bayan ng Jaro kamakalawa.

Sa ulat, kinilala ang biktima sa pangalang “Oni” 27 anyos, driver at resident eng Brgy. Camalig sa bayan ng Jaro.

Ayon sa bayaw ng biktima na si Arthur Lutero, nagpaalam kay Oni ang misis nito para ibili ng kagamitan sa eskuwela ang kanilang dalawang anak.

Sinasabing pinayagan naman ni Oni ang misis, at sinabihang umuwi kaagad. Nang matagalan sa pag-uwi ang asawa ng biktima, naglasing ito at nagwala.

Kasunod nito, sinaksak ng biktima ang kanyang tiyan at nang dumating ang mga barangay official, nagbigti na nga ito.

Dinala pa si Oni sa ospital subalit dead on arrival ito.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.