Selosong Lover Boy, Kulong

KULUNGAN ANG bagsak ng isang selosong lover boy matapos tutukan ng baril ang ka-live-in sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Grave Threat, Illegal Possession of Firearm and Ammunition at paglabag sa Omnibus Election Code si Allan Mangubat, 37, ng Ciudad Grande, Bagbaguin ng lungsod.

Sa reklamo ng ka-live-in ng suspek na si Marites Lisondra, 30, ng nasabing lugar, dakong alas-6:00 ng gabi, nasa loob sila ng bahay ng suspek nang bigla siyang sakalin ni Mangubat bago tinutukan ng baril sa mukha dahil may pinagseselosan.

Nang bitiwan ng suspek at mag-impake ang lalaki ay nagawang maitago ng biktima ang baril bago humingi ng tulong sa mga pulis.

Pagdating ng mga pulis ay pinadakip ng biktima ang suspek at inilabas ang itinagong kalibre .45 at mga bala.

Inaalam na ng mga pulis kung may criminal record ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.