Selosong Kostumer, Kulong sa Pag-umbag sa Waitress

KALABOSO ANG isang lalaki matapos umbagin ang waitress dahil nagseselos ang una sa isa pang kostumer ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Fernando Matias, 43 ng Yakal St., Franville Subd., ng lungsod.

Pasa at black-eye naman ang inabot ni Katrina Geronimo, 31 ng Everlasting St., Camarin ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw, costumer ng WABS Videokebar sa Sabarte Road, Camarin ang suspek kung saan ang biktima ang kinuhang serbedora.

May iba ring costumer ang biktima at dahil mas madalas sa kabila ang bebot ay nagalit ang suspek at kinumpronta ang costumer na hindi na nakuha ang pangalan.

Pumagitna ang biktima upang umawat subalit lalong nagalit ang suspek at dalawang sunod na sinapak ang bebot.

Ilang costumer at waiter ang tumulong upang umawat at dalhin sa presinto ang suspek.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.