Selosong Kelot, Nagpatiwakal

PATAY ANG isang lalaki matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay dahil sa labis na pagseselos at sama ng loob sa kanyang kinakasama sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Mark Anthony Delemas, 26, ng Gen. Mascardo St ., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ayon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, dakong alas-9:30 ng gabi, papasok sa kanilang kuwarto ang kinakasama ng biktima na si Jennilyn Hizon, 25, subalit nakasa-rado ito sa loob.

Kumatok si Hizon subalit walang tumutugon na na-ging dahilan upang humingi ito ng tulong sa mga kaanak. Nang sapilitang buksan ang pinto ay laking gulat ng mga ito nang tumambad sa kanila ang nakabigti na katawan ng biktima gamit ang nylon cord.

Agad na pinagtulu-ngang kalasin sa pagka-kabigti ang biktima subalit, wala na itong buhay kaya tumawag na lamang ang mga ito sa himpilan ng pulisya.

Nakakuha naman ang mga rumespondeng pulis ng isang suicide note na nakasaad ang mga hinanakit at sama ng loob ng biktima sa kinakasama nito kung saan patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung may naganap sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.