Selosong Kelot, Nagbigti sa Puno ng Santol

 

PATAY ANG isang lalaki matapos magbigti sa puno ng santol makaraang pag-hinalaan na may ibang lalaki ang kinakasama sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Patay na nang makitang nakabigti sa puno ng santol si Lorenzo Hinayon, 28, ng M. Gregorio St., Canumay West ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga nang makitang nakabigti ng nylon cord sa puno ng santol ang biktima sa bakanteng lote sa nasabing lugar ng kapitbahay na si Editha Aranes.

Nabatid na bago ang pagbibigti ay nakatalo ng biktima ang ka-live-in na si Nenita Pimentel matapos maghinala ang una ay may ibang lalaki ang huli.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.