Selosong kelot, kulong sa pambubugbog ng ka-live-in

SWAK SA KULUNGAN ang isang kelot matapos nitong bugbugin ang kanyang live-in partner dahil sa selos nang paghinalaan nitong may ibang lalaking kinalolokohan ang huli kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police at nahaharap sa kasong RA 9262 in relation to Violence Against Women sa piskalya ng Malabon-Navotas Prosecutor’s Office ang suspek na si Ruzzel Labrague, nasa hustong gulang, ng Sitio Puting Bato, Navotas City.

Putok naman ang mukha at halos hindi maidilat ang kanyang mga mata nang magtungo sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) Navotas Police ang biktimang si Lhamielyn Abon, 20, ng nasabing lugar upang pormal na magsampa ng reklamo kay Labrague.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek at biktima.

Bago ang insidente, umuwi ng kanilang bahay ang suspek na lango sa alak at dito kinumpronta ang biktima kung sino ang lalaki nito subalit bago pa man makasagot si Abon ay agad itong pinagsusuntok sa mukha.

Nagawa namang makatakas ng biktima at tumungo ito sa Pagamutan Lungsod ng Bayan upang magpagamot ng mga tinamong pasa at sugat sa mukha.

Pagkatapos ay nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek na naging dahilan ng pagkakadakip nito.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.