Selosong Ama, Pinagsasaksak ang Mag-iina

BIGO ANG PULISYANG masakote ang isang ama ng tahanan kagabi sa pinaniniwalaang pinagtataguan nito sa Binangongan, Rizal matapos pagsasaksakin ang kanyang mag-iina sa loob ng kanilang bahay kahapon ng ala-1:00 ng madaling-araw.
Ayon kay P/ Supt. Rodino Elfa, hepe ng pulisya, wala ang suspek sa kanyang mga kaanak at sa ilang lugar na posibleng pagtaguan nito nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang mga nasabing lugar.

Tumakas ang suspek na si Biane Berongoy, 53, matapos na pagsasaksakin ang kanyang asawang si Cresencia Berongoy,  47, at ang dalagang anak nitong si Maricris,24 at si Jay, 9, pawang residente ng Barangay Mambog, Binangonan, Rizal.
Lumabas na matinding selos ang nagtulak sa suspek upang saktan ang kanyang mag-iina na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Morong General Hospital na ligtas sa kamatayan.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.