Seloso, Ibinitin ang Sarili sa Mangga

DAHIL SA tindi na insecurities at pagseselos, isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa puno ng Mangga sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ni PO2 Joepet Enrique ng Naga PNP, nakilala ang nagpakamatay na si Solitario Saholga, 36 anyos, office clerk at tubong Zamboanga Sibugay.

Natagpuan ang walang buhay na si Saholga na nakabitin sa nasabing Mangga kamakalawa ng umaga.

Ayon sa kinakasama niyang si Jennylyn Indap na siyang nakakita sa bangkay ni Saholga, bago ang pagpapakamatay ng biktima ay nagkaroon sila ng tampuhan.

Aniya, panay ang selos ni Saholga kahit wala naman dapat na pagselosan.

Napag-alaman na kapwa taga-Zamboanga ang mga ito at nagtatrabaho sa isang kumpanya, subalit naninirahan sa Zone 5, Barayo, Barangay San Antonio, at dalawang buwan pa lamang na nagsasama.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.