Selosang Tomboy, Lumaklak ng Lason, Todas

WINAKASAN NG isang 22-anyos na tomboy ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pag-inom ng lason na hinalo sa alak matapos umanong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang una at ang syota nito dahil sa selos kamakalawa ng hatinggabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktimang si Herminica Mangulubnan, “aka Nica” ng Tanigue St., Block 5, Lot. 89, Brgy. 14, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng hatinggabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay ng kanyang girlfriend na si Rose Pescante, nasa hustong gulang, ng nasabing lugar.

Ayon sa kapatid ng girlfriend ng biktima na si Jean Ann, 13, nakita nitong nakahiga si Mangulubnan sa sahig kung kaya’t ginising niya ito para palipatin sa loob ng silid at duon na patulugin.

Subalit hindi sumasagot ang biktima at naamoy sa bibig ang silver cleaning solution kemikal na ginamit na panglinis ng mga accessories o metal.

Dahilan upang humingi ng tulong sa mga kapit-bahay upang dalhin sa naturang pagamutan ang biktima subalit hindi na rin ito umabot pang buhay.

Sinabi pa ni Jean Ann, na bago ang insidente ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at ng ate nito dahil umano sa matinding selos.

Nadiskubre sa lugar ng pinangyarihan insidente ang isang tasa ng Red Horse na may halong apat na kutsarang silver clea-ning solution.

Inaalam na rin ng pulisya kung may naganap na foul play sa naturang insidente o kung totoong nagpakamatay si Mangulubnan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.