Selina Sevilla, sumugod na sa NBI!

KASAMA ANG KANYANG abogadong si Atty. Roy Edgar Dazo, dumulog na kahapon (Hulyo 22) sa opisina ni NBI Special Action Unit chief Lito Magno ang sexy singer na si Selina Sevilla, para pormal na kasuhan ang doktor na nagsagawa ng pagpapaumbok ng kanyang puwet, 11 taon na ang nakalilipas.

Nagdesisyon si Selina na kasuhan ang doktor na nagturok ng silicone gel sa puwet matapos niyang maranasan na mistulang nabubulok na ang operasyong isinagawa sa kanya. Nakararanas din ng matinding pananakit ang sexy singer sa magkabilang pige, bukod pa sa matinding pagkabalisa sa nangyayari sa kanya ngayon.

Nauna nang inilabas ng Pinoy Parazzi ang kalunos-lunos na sinapit ng tinagurian ngayong ‘retokada queen.’ Hindi naman ikinahiya at aminado naman ang singer na nagpasikat ng kantang Nilunok Ko ang Lahat na isa siyang retokada. At ngayon nga, hinaharap niya ang problema ng pagtitiwala sa sinasabi ni Selina na ‘maling doktor.’

Bagama’t pinangalanan na sa complaint ni Selina ang naturang doktor na nagtatago na umano sa Amerika, hindi rin naman nakasisiguro ang sexy singer kung iyon nga ang tunay na pangalan ng doktor, o isa lang sa mga alyas nito.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.