Selina Sevilla, ooperahan muli – Alex Brosas

Sumailalim si Selina Sevilla sa dalawang operasyon kaugnay nang nabubulok niyang puwet sanhi ng silicone oil injection na isinagawa sa kanya noong taong 1998.

Debridement, suction ng silicone oil at removal of necrotic skin and tissues ang unang isinagawang operasyon sa kanya noong August 15, 2009 ni Dr. Manny Calayan sa Calayan Surgi Center sa Makati. Tatlong oras tumagal ang operasyon sa singer.

“Sad to say, hindi na nag-regenerate ‘yong ibang skin tissues dahil hindi na daw dinadaluyan ng dugo,” kuwento ni Selina sa Pinoy Parazzi kahapon.  “Merong natirang necrotic tissues and skin kaya raw patuloy na nagnanaknak so kailangan daw ng second operation,” dagdag ni Selina.

“Totoo ang sinasabi sa akin ng doctor na tumingin sa akin na kailangan ng mahaba at matagal na gamutan. At masakit ang proseso, ha!” kuwento ni Selina.

Ang second operation ay isinagawa noong Aug. 28 sa Calayan Surgi Center pa rin.

“Nag-suction uli sila, kumuha uli sila ng  natira pang necrotic tissues. Ini-scrape nila talaga ang balat ko. Dalawang oras ang operasyon sa akin. Naghe-heal na siya, pero dahil gusto ni Dr. Manny Calayan na safe talaga, magkakaroon pa ako ng operasyon after a month,” tsika pa ni Selina.

At this point, gusto nang magtrabaho ni Selina.

“Meron naman akong gigs sa bar ng mga friend ko. Tinutulungan nila ako. May show ako sa Queba Bar and Resto sa San Juan at meron pang isa sa Blogs. Kailangan kong magtrabaho para sa mga bata,” say ni Selina. Tatlo ang anak ng singer na pawang mga bagets pa.

Si Selina ang unang celebrity beneficiary ng Calayan Surgi Center Foundation. Nakatutuwang malaman kung paano sila nagtagpo ng pomosong cosmetic surgeon.

“Si Jane Umali, isang fashion model at event coordinator ay kabarkada ko. Gusto akong i-produce ng concert na kapatid niyang si Jen Umali at ng friend naming si Au. Si Au naman, nagkataon na kaibigan niya si Lalen Calayan na pamangkin ni Dr. Manny Calayan. Naawa sa akin si Lalen. Nabanggit niya ako sa tito niya. Tumawag sa akin si Lalen, baka puwede daw niya akong tulungan. Ipinatawag ako ni Dr. Calayan. Nang makita niya ang nangyari sa akin, lalo siyang naawa sa akin, » kuwento ni Selina.

Noong una niyang malaman na medyo may kamahalan ang magiging gastos niya sa operasyon ay naghanda kaagad si Selina.

“Nagbenta na ako ng mga gamit ko tulad ng bag, alahas, relo. Eh, hindi naman mamahalin ang mga gamit ko kaya kulang pa rin. Si Dr. Manny Calayan, naawa sa akin. Sabi niya, sige, huwag ka nang magbenta, tutulungan kita.

“Kaya sa paggaling ko, susuportahan ko ang Calayan Foundation. Lahat ng fund-raising events nila ay susuportahan ko.”

“Talagang malaki ang utang na loob ko kay Dr. Manny Calayan. Bukod sa libreng operasyon, lahat ng gamot na galing pa sa ibang bansa ay ibinigay niya sa akin. Napakabait niya.”

Sa ngayon ay hindi pa talagang umuusad ang reklamo ni Selina laban sa doktor na nag-inject sa kanya ng silicone oil. A few weeks ago, lumitaw na ang tunay na pangalan ng doctor na sinasabing nag-opera kay Selina, si Reynaldo Eugenio. Nagpaunlak ng interview ang abogado ni Eugenio at itinanggi ang bintang ng singer sa The Buzz. Nagbanta pa ang kampo nito na idedemanda ng libel si Selina dahil sa mga nasabi nito sa ilang interview.

Noong unang lumabas ang interview ni Selina, hindi niya kailanman pinangalanan ang akala niya’y doktor na umopera sa kanya. Bakit?

“Sa totoo lang, hindi ko siya mapangalanan dahil ayoko rin naman maging unfair sa kanya at dahil hindi ko rin naman alam ang first name niya.  Ang tawag ko sa kanya noon ay Doc Eugenio at di ko talaga alam na hindi pala siya totoong doktor. Kaya nga sa NBI ako lumapit para malaman ko ang katotohanan dahil puntahan mo man siya sa bahay ay wala na siya roon, nasa abroad ang sinasabi ng taong nakatira roon.

“Sa NBI talaga, itutuloy ko ang kaso ko. Kaya lang, siyempre, hinihintay nila lahat ng medical abstract na gagawin sa akin dahil ito ang gagamitin ko para patunayan ang masamang dulot ng silicone oil sa katawan ko. Ang aim ko talaga, bigyan siya ng leksyon para hindi na pamarisan dahil sa maramign kasinungalingan ang lumalabas at binabaliktad ako. Na kesyo ang doktor na gumawa sa akin ay patay na raw. I feel sorry du’n sa sinasabi nilang doctor, pero hindi ko talaga siya kilala at si Reynaldo Eugenio talaga ang gumawa sa akin.

“Kaya ngayon, mananawagan ako sa nagreklamo sa kanya noong 2005 nang ma-entrap siya sa Bitag noong 2005. Siya iyon at hindi ako nagkakamali,” mahabang paliwanag ng singer.

In fact, may calling card na hawak si Selina na ibinigay sa kanya ng akala niya’y doctor na nag-opera sa kanya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Selina Sevilla, ooperahan muli – Alex Brosas

  1. ayan kasi di pa makuntento sa katawan nila!
    sunod na diyan si angel laosin na magkakaproblema sa pinaretokeng boobs niya mabubutas ang silicon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.