Selina Sevilla, naoperahan na! by Tita Swarding

OLACHIKKA! MARAMI ANG tumuligsa sa sexy singer na si Selina Sevilla dahil sa biglang pag lantad nito sa publiko tungkol sa kanyang kalagayan at kondisyon na muntik nang gumupo sa kanyang buhay.Masakit man isipin at nakakatakot mang pakinggan lalo na at nakapandidiri kung makita ang puwet ni Selina na nagnaknak nu’ng hindi pa ito dumaan sa isang operasyon. Ngunit dahil na rin sa tulong ni Dr.Manny Calayan at sa makapanibagong teknolohiya ay succesful ang operasyon ng sexy singer kasama na rin ang mga dasal ng mga taong malalapit sa kanya.

Nu’ng Biyernes ng gabi ay nagdesisyon si Dr.Manny Calayan na operahan na si Selina dahil nag-aalala ang celebrity doctor  sa kalagayan ng singer. Ayon sa kuwento ni Selina sa akin ay marami ang nakuhang bulok na laman sa kanyang pwet dulot ng silicone oil na nilagay ng isang hindi rehistradong doctor na nag-opera sa singer nu’ng kasagsagan pa ng kasikatan nito. Dagdag ni Selina, kahit hirap siya sa pag-upo at pagtulog  ay tinitiis niya para lamang sa kanyang ikabubuti dahil gusto pa niyang mabuhay nang mahaba para sa mga mahal niya sa buhay. Halos hagulhol ang ibinuhos ni Selina dahil inilantad na rin niya sa publiko ang kanyang anak na may kapansanan. Tinitibayan niya ang loob para lamang sa anak niya. Buo ang pasalamat niya kay Dr.Manny Calayan dahil wala man siyang perang ipambayad ngunit sa tulong nito at ng kanyang foundation ay binigyan ng chance ang singer. Ang expectation ng lahat ay ang sexy singer na ang isa sa maging endorser ng Calayan at baka balang-araw  ay magsama ang celebrity doctor at si Selina sa isang album. Bongga, ‘di ba?

MARAMI ANG NAG-email sa akin, halos hindi kona mabasa ang ilang mensahe dahil sa sobrang dami. Ang nakakaloka ay ang isang nag-email,magre-reply sana ako ngunit failed na. Ewan kung bakit.

Nanahimik si Willie Revillame dahil sa pagkawala nito sa Wowowee at sa pagtuligsa sa kanya ng sambayanan at naiipon na ang galit ng ilan laban sa TV. Wala akong personal na galit sa kanya. Gusto ko lang ipaabot ang mga mensahe ng mga tao na hindi nagustuhan ang bawat buka ng kanyang mga labi at mga kilos na kapansin-pansin nga naman. Nu’ng una, Tita Swarding ,ang stampede,ngunit hindi pa nakontento ay nang-iinsulto pa at nagpapahiya ng mga mga tao. Hindi lang contestant kundi pati na rin ang mga staff nito. Pasalamt ako, tita, at nakapanood na ako ng Wowowee ngayon ng wala ang mayabang naTV host. Nakakasawa ang boses nitong halatang super trying hard. Ngayon, masaya na ako dahil marami ang mga artista na guest at natutuwa ako sa mga host ng Wowowee puwera ‘yung mayabang na host. Sana hindi na siya babalik.

Galing ang mensaheng yan sa isang leonardo007@yahoo.com.at meron pang isang mensahe na galing sa isang TFC subscriber.

Hi Tita Swarding.I like reading your column. Sana nga ‘wag nang pabalikin si Willie. Bakit pinalalabas yata na na mi-miss sya ng mga tao. Yuck! I don’t think it’s true. Maganda nga at di na namin sya napapanood sa TFC.

Thanks,
marichel

Kaloka, ha ! May naitsikka rin ang aking Parazzi Girl na habang wala si Willie sa Wowowee ay nagpakasarap ito. Nagbabad daw ito sa yate kasama ang ilang mga kaibigan na karamay raw niya ngayon at nagpakita ng suporta sa TV host. Ang nakakaloka, kahit nasa gitna na ng kontrobersiya siya ay nakuha pa nito umanong mag-order ng mga girls. Kaloka, ha ! Ano ‘yan, inumin dahil may order ? Kalerke nga naman. Ang isa pa umanonng babae ay dinala pa mismo sa haws nito.Hay, nakakaloka ! Naku, ito talagang Parazzi Girl ko, nakakaloka. Dagdag pa niya ay pinapalabas rin daw ni Willie at mga kaibigan nito na naghakot na ito ng gamit sa Wowowee at wala na raw itong mga gamit sa kanyang dressing room. Kalerke, ha! Sana, totoo na ang pag-alsa balutan ni Willie sa Wowowee. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.