Selina Sevilla, nagsisisi sa pagpaparetoke

OLACHIKKA. ALAS 2:15 ng hapon noong Lunes at sino ba naman ang mag-aakala na ganito ang mangyayari sa isang sexy singer na si Selina Sevilla? Nagkausap kami ng magandang singer-actress. Hindi biro ang problema na kanyang hinarap ngayon dahil katawan niya ang ginugupok ng maling operasyon na ginawa sa kanya ng isang doctor sa kanyang pagkakaalam.

Sa aming pag-uusap ni Selina habang nasa NBI ito dahil nag sampa ng kaso ang sexy singer laban sa doctor na gumawa sa maling operasyon sa kanyang pwet, aminado ang singer na hindi biro ito at nakataya ang kanyang reputasyon at kahihiyan.Inilalaban niya ang kanyang kaso sa tulong na rin ng mga tao na nasa likod niya, ang kanyang pamilya, kaibigan at mga grupong handang sumoporta sa kanya. Kasama ni Selina sa NBI ang kanyang abogado na si Atty.Roy Dazona kasalukuyang humahawak sa kaso ng singer.

Nalaman na lang ni Selina na may nagbago sa kanyang katawan ilang taon matapos ang operasyon sa kanya. At dahil sa hindi sapat ang pagpapagamot, sinubukan pa rin niyang magpatingin sa isang espesyalistang doctor at ang  mismong doctor na tumingin sa isang pasyente na nagpapagamot  na ginupo rin ng maling operasyon. Malaki ang pasasalamat ni Selina sa mga doctor na tumulong sa kanya na sina Dra. Minda Zara Perez at Dr.Loh na kumumbinse sa singer na dumaan sa series of operation upang magbalik ang dati nitong kagandahan. Tatlong buwan ang operasyon na ito. Kalerke, ha!

Dalawang taon na ininda ng singer ang sakit na nararamdaman ngunit kamakailan lang ay hindi niya akalain na ganito ang mangyayari sa kanya. “Akala ko, safe ito at matagal na kasi ‘yun. Naramdaman ko na lang, ’pag malamig ay naninigas ang pwet ko at masakit.”

Hindi mabanggit ni Selina ang pangalan ng doctor na gumawa sa kanya nito pati ang address kung saan ito nakatira ngayon dahil ayon sa actress ay palipat-lipat ng clinic ang doctor na ito at bukod sa mapera ay kaya niyang  kung saan-san magtago.

Hawak na ng NBI ang kaso at sila na ang bahala. “Ayaw kong pangunahan sila,” say ni Selina. Sa halagang 20 thousand pesos na ginastos niya noon ay perwisyo ang kapalit ngayon. Sa mismong bahay pa ng doctor ginawa ang operasyon kay Selina  at marami na ang napaganda ng doctor na ito na karamihan ay mga actress na kilalang-kilala at ‘yung iba ay nawala  at ‘yung  iba ay kasabayan pa  niya noong siya ay nagtatrabaho sa Japan. Ito ang dahilan kaya nakumbinse ang singer na magpagdagdag ng puwet.

“Maraming pictures na nakalagay sa bahay niya, Tita Swarding,  at may mga mga picture ng mga artista kung saann niya  inooperahan,” say ng singer.”Gusto ko lang, Tita Swarding, na mabigyan ng leksyon ang doctor na ito at hindi ko po ipapasa-kamay ko ang batas. Malaki po ang aking pagsisisi,kaya sa lahat po ng mga taong nagawan po ng  doctor na ito o kung sino man ay kung maaari ay makipagtulungan lamang po at pumunta sa NBI at hanapin lang si NBI Chief Lito Magno ng Special Action Unit.

Kami na taga-Pinoy Parazzi ay nakahandang tumutok sa laban na hinaharap ni Selina Sevilla. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.