Selina Sevilla, nabigyan ng pag-asa!

ISANG BUWAN NA rin ang nakararaan nang unang lumabas si Selina Sevilla sa pahina ng Pinoy Parazzi para ihayag ang kanyang hinagpis at hinaing ukol sa kapalpakan ng doktor na nag-inject ng silicone oil sa kanyang puwet. Naging sanhi ito ng pagkakaroon niya ng “Gluteal Necrosis Bilateral.” Dahil dito, lumapit ang sexy singer sa NBI, press at media para humingi ng tulong at mabalaan na rin ang publiko na mag-ingat sa mga mapanlokong klinika.

Abot-langit ang pasasalamat ni Selina kay Doc Manny Calayan dahil nagbigay ito ng tulong sa pamamagitan ng isang libreng operasyon sa Calayan Surgicentre, na naganap noong Sabado, August 15. Kitang-kita ang kasiyahan ng sexy singer sa kanyang Thanksgiving Presscon sa Belissimo noong nakaraang Huwebes.

Buong-puso rin ang pasasalamat ni Selina sa press at media na nakinig sa kanyang kuwento. Dahil dito, nakahanap siya ng mga taong makatutulong sa kanya at naging alarma na rin sa publiko ang ganitong kaso. Selina, nilunok mo man ang lahat ng kahihiyan, bilib pa rin kami sa iyo!

By Mica Rodriguez, Photos By Jet Bentulan

Click to enlarge.

loading...

One thought on “Selina Sevilla, nabigyan ng pag-asa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.