Self-Depense ng Peacekeepers, Palalakasin

KASUNOD NANG pag-withdraw ng mga foreign government ng kanilang peacekeeping troops sa Golan Heights, nanawagan na si United Nations (UN) secretary-general Ban Ki-moon sa UN’s Security Council na palakasin pa ang “self-defense capabalities” ng UN Disengagement Observer Force.

Ayon sa opisyal, bagama’t nanatili ang banta sa seguridad ng mga peacekeepers, napakahalaga umanong manatili ang misyon para sa kapayapaan sa Israeli-Syrian region.

Una nang pinauwi ng Croatia, Japan at Austria ang kanilang puwersa sa Golan Heights habang pinag-aaralan naman ng Pilipinas kung kailangang manatili pa sa area ang Pinoy contingent.

Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez na kasalukuyan pa umanong tinitimbang ng gobyerno ang opsyon na maaaring pauwiin na ang mga sundalong Pinoy sa harap nang banta sa kanilang seguridad.

Samantala, inaasahang makikipagpulong ang UN Security Council sa mga troop contributing countries para balangkasin ang bagong mandato ng observer force.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.