Sekyu,Timbog sa Panghoholdap

SUGATAN ANG isa sa dalawang suspek ng panghoholdap sa isang negosyante makaraang paputukan ng isang pulis na aksidenteng napadaan sa ilang na lugar sa Brgy. Santisima Trinidad, Malolos City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Jess Reyes kay PNP Provincial Director P/Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na Ronie Audije Y Rodriguez, 30 anyos, isang security guard sa SM Baliuag, residente ng Brgy. San Agustin, Hagonoy, Bulacan, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Joanthony Conti Y Juan, 35 anyos, isang negosyante at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, papauwi na sana ng bahay si SPO1 Romeo Bagtas nang masalubong nito ang biktima, kung saan humingi ito ng tulong dahil sa inagaw ng mga suspek ang gintong kuwintas habang nakatutok ang baril.

Nabatid na agad na hinabol ni SPO1 Bagtas ang mga suspek lulan ng Honda motorcycle na may plakang XA-2674, kung saan pinaputukan ito na tinamaan sa braso dahilan upang mahulog ito sa sinasakyang motorsiklo.

Samantala mabilis namang tumakas ang kasamahan nito, habang kasalukuyan namang ginagamot sa Bulacan Medical Center ang suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.