Sekyu, Todas sa Palaboy

PATAY ANG isang sekyu matapos pagsasaksakin ng palaboy kamakalawa ng umaga sa Navotas City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Sosimo Rey Obena, 49, ng Vista Verde, Caybiga, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas Toto Flores, nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan.

Sa ulat, alas-7 ng u-maga nang pagsasaksakin ng suspek ang biktima sa Agora Market, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC, kung saan inaalam na ang dahilan ng pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.