Sekyu, Todas sa Kapwa Sekyu

TODAS ANG isang guwardiya matapos putukan ng kapwa guwardiya makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Jordan Sanchez, nasa hustong gulang, roving guard ng Sangandaan Plaza sa A. Mabini St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Elmer Belmonte, sekyu ng MLhuiller ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga, nagtatalo ang biktima at ang suspek sa nabanggit na lugar hanggang sa magbunot ng baril si Belmonte at putukan si Sanchez.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinagtalunan ng dalawang sekyu.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.