Sekyu, Todas sa Kainumang Sekyu

HINDI NA umabot pa nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang isang security guard makaraang saksakin ng kanyang kainuman sa Brgy, Bagong Barrio, Pandi, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Edgar Pascua, 24, binata, security guard ng Highgrade farm at residente ng Karuhatan, Valenzuela City; samantalang ang suspek naman na mabilis na tumakas ay nakilalang si Genis Jun Eslamado, 27, may-asawa, security guard, residente ng Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Leonel Acuna, dakong alas-1:15 ng madaling-araw, matapos ang mainitang pagtatalo ng dalawa ay nauwi sa pananaksak na agad na tumapos sa buhay ng binata.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek, upang papanagutin sa batas.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.