Sekyu, Todas sa Bareta

PATAY ANG 40-anyos na guwardiya matapos na umano’y hatawin ng bareta sa ulo nang hindi na-kilalang suspek sa Binondo, Maynila kamakailan.

Idineklarang dead-on-arrival  sa  Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Rene Refil ng Purok 4, Dulo Alabang, Muntinlupa City dahil sa tinamong sugat sa ulo matapos na hatawin ng bareta ng salarin na agad tumakas.

Sinabi ni SPO3 Glenzor A. Vallejo ng MPD homicide na nangyari ang insidente pasado alas-6:00 ng umaga sa harap ng DIY Warehouse Building  sa kahabaan ng Dasmariñas cor. Burke Sts., Binondo, Maynila.

Base sa kuwento ng security guard na si Alwin Abong, nasa loob umano siya ng bakuran ng Blue Sky nang marinig niya ang sigaw mula sa labas ng gusaling kanyang binabantayan.

Pagbukas aniya ng gate, nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng pu-ting T-shirt na umano’y mukhang bangag sa alak na nakatayo sa harap ng biktima na nakalugmok na sa semento.

Binulyawan umano ng sekyu ang salarin at nang makita ang una ay agad na tumakas palayo.

Samantala, sa tulong ng iba pang guwardiya sa mga kalapit na gusali ay isinugod ni Abong sa nasabing ospital si Refil ngunit pagdating  sa pagamutan ay idineklara ni Dr. Aurelio Sejera na dead on arrival.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.