Sekyu, Sugatan sa Nag-amok

SUGATAN ANG isang sekyu matapos mahagip ng bala mula sa hindi pa nakikilalang suspek nang walang habas na magpaputok ng baril ang huli, makaraang hindi inabutan ang mga nakaaway sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso si Anthony Partolan, 30 ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-11:55 ng gabi, naka-duty ang biktima sa EJM Pawnshop sa Phase 1, Bagong Silang nang mag-rambulan ang dalawang grupo bago nag-alisan.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang suspek sabay tanong sa biktima na nasaan na ang kanilang nakaaway.

Sinabi naman ng biktima na wala na ang mga nagrambulan hanggang sa lumakad papalayo ang suspek subalit huminto at walang salitang nagpaputok ng baril sa kinata-tayuan ng biktima at ilang usisero.

Minalas na nahagip ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa JRH habang tumakas na ang suspek.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.