Sekyu, pinatay na tinangay pa ang baril

PATAY ANG ISANG security guard matapos itong barilin ng isang di-pa kilalang salarin makaraang pasukin ang una ng huli sa binabantayang pabrika at tangayin ang baril nito kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Dominador Agsaullo, 51, security guard,  residente ng # 12 B-Sampaguita East Bagong Barrio Caloocan City, sanhi ng tinamong tama ng bala ng .38 kalibre na baril sa kanan mata.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang Caloocan City police, para sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas dala ang service firearm ng biktima na siyang ginamit sa pagpatay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 4:00 kahapon ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng pabrika ng Firebend Corporation na matatagpuan sa 109 Mascardo St., Brgy. Bagong Barrio Caloocan City .

Ayon sa salaysay ni Sammy dela Cruz, kasamahan ng biktima, siya ang karelyebo ni Agsaullo, papalitan na niya (biktima) sana nito ng mga oras na iyon, subalit pagpasok nito ay nakita niyang nakaawang na ang gate ng pabrika.

Pagpasok nito, bumulaga sa kanyang harapan ang nakabulagtang duguang katawan ng biktima sa sahig, dahil dito, agad niyang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang nasabing insidente.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)-Northern Police District Office (NPDO), nakitang may tama ng .38 kalibre na baril sa kanang mata ng biktima na tumagos sa ulo nito na naging dahilan ng kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng pagnanakaw ang motibo ng suspek sa krimen matapos paslangin ang biktima at tangayin ang service firearm nito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.